Wala yatang hindi gagawin si Zanjoe Marudo para mapatunayan ang kagalingan niya bilang aktor. Biruin mo pumayag na naman itong maging isang bakla sa Bromance, isang pelikula ni Wenn DeÂraÂmas. Maging ang gf niyang si Bea Alonzo ay puring-puri ang lakas ng loob niyang gampanan ang mahirap na role ng isang beki gayung machong-macho siya. MaÂrami ang nagsasabi na ayaw laÂÂmang ni Zanjoe na mapag-iwanan siya ni Bea sa acÂting kaya nagÂpapaka-versatile siya. Walang masama rito.
Sid biglang nagbago para sa anak
Ang ipinagbubuntis lang pala ng kanyang girlfriend ang makapagbibigay ng inspirasyon kay Sid Lucero para maging aktibong muli sa kanyang pag-aartista. For a while ay nawala ito sa mga palabas ng GMA 7 at nang makitang muli ay mataba na siya at hindi na pang-leading man material.
Sa nakatakdang pagsisilang ng kanyang panganay na isang babae pala, nabigyan ng panibagong pag-asa ang magaling na aktor para haraping muli ang kanyang traÂbaho. Sid is slowly getting his old form back, earlier than expected.
Niel at Sef nagtatapatan
Mukhang itinatakda ng tadhana na maging magkalaban sa pagiging artista sina Sef Cadayona at Niel Coleta. Kapapanalo lang ni Sef sa FAMAS sa kategoryang BreakÂthrough Performance By An Actor na katumbas din ng napanalunan ni Niel (Best New Actor ) mula sa Star Awards. Magaling si Niel sa role niya bilang bff ni Sam ConÂÂcepcion sa I Do Bidoo Bidoo, ganundin si Sef sa indie movie na Gayak.