Nagpunta si Kris Aquino sa press conference para sa isang rally ng Team P-Noy sa Tacloban noong Biyernes. Inamin ng aktres sa nasabing event na may plano siyang pasukin ang pulitika sa susunod na halalan. Ang gusto raw ni Kris ay magsimula muna sa isang local government position katulad ng kanyang amang si Benigno “Ninoy†Aquino, Sr.
“P-Noy did not, he went to Congress straight then he went to the Senate but my dad started as a small town maybe, so I want to start in a big city,†pagtatapat ni Kris.
Sa kasalukuyan ay rehistrado bilang botante ang Queen of All Media sa Makati City na kilalang matagal na ring balwarte ng mga Binay. Handa na kaya si Kris na banggain ang mga Binay? “Open naman ako na hindi ko matitibag ang mga Binay doon, so, maghahanap na lang ako ng ibang siyudad sa Metro Manila,†nakangiting sagot ni Kris.
Kahit napapabalitang may balak din ang aktres na tumakbo bilang gobernador sa Tarlac na kanilang hometown ay pinagbawalan na ng mga kapatid si Kris na huwag munang pag-usapan sa publiko ang mga plano para sa susunod na halalan.
Julia no. 1 fan nina Kathryn at Daniel
Pinaghahandaan na ni Julia Montes ang kanyang bagong teleserye kung saan makakasama niya sina Enrique Gil at Enchong Dee, ang MuÂling Buksan ang Puso. Kahapon ay nag-pictorial na ang kanilang grupo sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife para sa nasabing proyekto.
“Ayan, malapit nang mag-start. Meron na akong gagawing mga workshop. Abangan n’yo kasi marami kaming actors and actresses na hindi pa sinasabi na dapat talaga abangang pasabog,†nakangiting pahayag ni Julia.
Samantala, aminado si Julia na isa siya sa mga libu-libong tagahanga ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Gumawa raw talaga ng paraan si Julia kahit may trabaho para makapanood ng concert ng binata sa Smart Araneta Coliseum noong isang linggo.
“It’s a dream come true and I’m super happy for Daniel talaga. Siyempre hopefully soon magkaroon siya ng another concert na for sure rin naman magiging hit,†bungad ni Julia.
“Favorite ko ’yung duet nilang dalawa and take note live si Kathryn kumanta. I’m their number one fan. Sobrang kinikilig ako. Wala na akong pakialam kung tinitingnan ako ng nasa likod ko, nasa gilid ko, nasa harapan ko. Basta sumisigaw ako simula pa lang. Growing Up (youth-oriented show nina Daniel at Kathryan noon) days pa lang noong una silang nag-tandem, ako ‘yung unang-unang fan nila.†Reports from JAMES C. CANTOS