Naabutan ko si Marian Rivera sa Bambbi Fuentes Salon (98 Timog Ave. Cor. Sct. Ybardolaza, Quezon City with telephone numbers 411-2487, 927-1998) na inaayusan ni Bambbi.
So kumusta naman ang controversial?
“Hindi ako controversial ate,†mabilis niyang sagot.
Anong nangyari? Bakit umalis ka sa ex manager mong si Popoy Caritativo?
“Naku ‘wag na nating pag-usapan ate. Matagal ko ‘yung pinag-isipan at ipinagdasal,†sabi niya.
“Ayoko na ng negative. May pinadala akong sulat sa kanya at nakalagay na lahat doon ang rason,†sabi niya.
Pero in fairness to me, hindi ako sumuko sa kakatanong.
So ano nga? Pangungulit ko sa reyna ng GMA 7.
“O sige ate kuwento ko pero ‘wag mo na lang kuwento sa iba. Alam ko naman hindi ka madaldal,†na ikinatawa ko naman.
Ayun na. Ikinuwento na niya at ipinakita pa ang sulat na ipinadala sa manager.
At sa nabasa ko, malalim ang pinagmumulan ni Marian. Medyo masalimuot.
Pero inulit niyang ‘wag nang palakihin ang isyu sa kanila ng dating manager. “Basta ayoko na ng negative energy!â€
Eh ano ‘yung issue na magpapakasal na sila ni Dingdong (Dantes)?
“Hindi naman ako magpapakatandang dalaga. Gusto ko namang may makasama. Pero hindi pa ngayon. Marami pa akong kailangan at gustong gawin. Hindi naman kami nagmamadali ni Dong,†paliwanag niya.
So klaro naman pala. Hindi pa sila pakakasal ng aktor na karelasyon.
Samantala sa June na pala ipalalabas ang pelikulang My Lady Boss na bida sila ni Richard Gutierrez. Meron din silang pelikula ni AiAi delas Alas na Kung Fu Diva na hindi ko na naalalang itanong kung kailan ipalalabas.
Vice personal na nagbebenta ng tickets para sa kanyang concert
Hindi na magpapatumpik-tumpik pa ang Unkabogable box-office star at record-breaking concert artist na si Vice Ganda sa pagpapasalamat at pagpapasaya sa kanyang mga tagahanga dahil ngayong Mayo 17 (Biyernes) na gaganapin ang kanyang pinakaaabangang 3rd major solo concert sa Smart Araneta Coliseum na I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta.
Bilang patikim sa kanyang fans, pumunta si Vice sa Big Dome kamakailan upang personal na iabot ang tickets sa mga nais na manood ng kanyang concert. “Ang saya ng experience and at the same time nakaka-pressure kasi mas lalo kong na-realize na mas kailangan ko talagang galingan. Nahihiya kasi ako sa mga bumibili dahil gumagastos sila for me kaya ayokong sayangin ‘yung mga binayad nila,†sabi ni Vice.
Ayon sa box-office star, kakaibang mga pasabog, sorpresa, at gimik ang kanyang inihanda para sa kanyang comedy concert ngayong taon kabilang ang kanyang non-stop mind-blowing production numbers at ang never-before-seen version ni Vice Ganda na tiyak daw na ikagugulat ng lahat.
Makakasama ni Vice sa kanyang concert ang ilan sa pinakamalalaking artista sa industriya ng showbiz kabilang sina Daniel Padilla, Enrique Gil, Paulo Avelino, Dawn Zulueta, at AiAi delas Alas.
Ang I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta ay sa ilalim ng direksyon ni Bobet Vidanes at musical director na si Marvin Querido.
Para sa tickets, maaaring pumunta sa Ticketnet outlets at sa Smart Araneta Coliseum Box Office, tumawag sa 911-5555, o mag-log on sawww.ticketnet.com.ph. Para naman sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.