Problematic ang isang aktres dahil nalaman nito na wala nang plano ang kanyang mother studio na i-renew ang kontrata niya.
Worried ang aktres dahil bumili siya ng bagong bahay na milyung-milyong piso ang halaga. Kapag hindi ni-renew ng TV network ang kanyang contract, malaking problema kung paano niya mababayaran ang bahay na naka-loan sa bangko. Mabait at masipag ang aktres kaya i-wish natin na malutas ang kanyang problema.
Mother Lily may sariling magic 12
Hindi pa tapos ang pagsuporta ni Mother Lily Monteverde sa mga kandidato dahil may presscon pa siya para kina Senator Koko Pimentel, Gringo Honasan, Sonny Angara, at Nancy Binay.
Binibiro na nga si Mother na baka labindalawang senador na kailangan sa senado ang bibigyan niya ng presscon para makumpleto ang kanyang Magic 12.
Tawa lang nang tawa si Mother na enjoy na enjoy sa ginagawa niya dahil sa bawat senador na kanyang ini-endorso, may inihahanda siya na welcome speech.
Teka, sinu-sino na ba ang mga kandidato na binigyan ni Mother ng presscon? Sina Senator Loren Legarda, Grace Poe, Allan Peter Cayetano, Sonny Trillanes, Cynthia Villar, Bam Aquino, Risa Hontiveros, at Dick Gordon. Ay, kumpleto na pala ang Magic 12 ni Mother Lily.
Si Grace Poe ang senatoriable na unang binigyan ni Mother Lily ng presscon. Bata pa lang si Grace, kilalang-kilala na siya ni Mother dahil palagi itong pumupunta sa shooting ng mga pelikula ni Fernando Poe, Jr.
Ervic matindi ang nararamdamang trauma
May idea na ang mga imbestigador sa mga bumugbog kay Ervic Vijandre at sa mga kasama nito sa kanilang house-to-house campaign noong Sabado sa Taguig City.
Siguradong lalabas din ang pangalan o utak ng mga nambugbog.
Dahil sa nangyari, tripleng ingat na ang gagawin ng grupo ni Ervic para hindi na maulit ang kanilang traumatic experience.
Edward maraming naipasang resolusyon
Mama Salve uulitin ko lang ha. Si Edward Maceda ang bunsong anak ni Senator Ernesto Maceda at Manay Ichu Maceda ng Sampaguita Pictures ay muling tumatakbo bilang Konsehal sa ika-apat na Distrito ng Maynila sa ilalim ng UNA Ticket ni Pangulong Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno.
Nanilbihan bilang Assistant Majority Leader ng Sangguniang Panglunsod ng Maynila si Edward Maceda mula 2009 hanggang sa kasalukuyan.
Ilan sa mga naipasa niyang Ordinansa at ResoÂlusyon ay ang Libreng Sine para sa mga Senior Citizen, pagbibigay ng PRANGKISA sa mga Tricycle at ang pagpapagawa ng Ospital ng Jose Abad Santos.
Ilan din sa mga proyekto niya ay ang pagmungkahi at pag-asikaso ng pondo para sa pagpapagawa ng pasilidad ng iba’t ibang paaralan tulad ng San Juan Elementary School, Moises Salvador Elementary School at Legarda Elementary School sa tulong ni Senate President Juan Ponce Enrile. Kasama rin ang pagsasaayos at pagpapagawa ng Second Floor ng Luzviminda Health Center sa tulong ni Senador Jinggoy Estrada.