Hindi nabalita ang pagre-renew ng network contract ng isang magaling na aktres dahil siguro sa hindi siya controversial, pero mahusay talaga siya at bawat karakter na ibigay ay nagagampanan ng buong huÂsay. Kaya naman nang humingi ng guaranÂteed conÂtract sa network ay ibinigay ng walang mahaÂbang diskusyon.
Hindi pa ‘yun, ibinigay din sa magaling na aktres ang hininging dagdag na talent fee per taping day. Doble sa dating tf ang ibinigay sa aktres at malaking bagay ito sa kanya at sa pamilyang tinutulungan.
Ang ipagdasal na lang ng magaling na aktres, three times a week o mahigit pa ang taping schedule niya sa bagong soap para mabilis siyang makaipon. Ang maganda sa aktres, kontento na sa kinikita na hindi man kasing-laki sa tf ng mga mas sikat sa kanya ay tama sa kanila ng kanyang pamilya. Hindi rin nito hinangad na lumipat ng network kahit may offer.
Alfred handa na sa kongreso
Congressman na ang tawag kay Alfred Vargas at mukhang sa Kongreso nga ang sunod niyang pupuntahan kung ibabatay sa latest survey result sa mga tuÂmatakbo sa 5th district ng Quezon City. Nakita sa survey na nakakuha ng 51.3 percent si Alfred, malayo sa nakuhang result ng kanyang mga kalaban.
Nakadagdag pa sa tuwa ni Alfred ang two awards na nakuha sa 10th Golden Screen Awards. Hindi lang siya best actor at ka-tie ni Eddie Garcia, napasali rin siyang Dekada AwarÂdee dahil sa dalawang awards. Hindi nito akalaing susuwertihin siya sa kanyang dream role. Ibinalita na rin ni Alfred na ipaÂlalabas uli ang Supremo, ang nagpanalo sa kanyang pelikula para i-promote ang 105th year ni Andres Bonifacio.
Sa tanong kung handa na siya sa trabaho sa Kongreso? “I think I’m ready,†ang sagot ni Alfred. Tuloy siya sa pag-aaral at two semesters na lang, matatapos niya ang kanyang Masters Degree in Public Administration sa UP National College of Public Administration.
Kung mananalo, ilalagay si Alfred sa showbiz wing ng Kongreso kasama ang ibang taga-showbiz na nasa Mababang Kapulungan.
After ng election, balak ni Alfred na magprodyus pa ng pelikula, something light ang balak niya at gustong makuha si Chris Martinez para magdirek. Hindi iiwan ni Alfred ang showbiz, pero priority niya ang trabaho sa Kongreso kung papalarin.
Alden ramdam na puwede rin kay Lauren
Umiigting ang love triangle sa Mundo Mo’y Akin nina Alden Richards, Lauren Young at Louise delos Reyes.
Kaya natutuwa si Alden ‘pag nakakabasa na apektado sa kuwento ng Mundo Mo’y Akin at tinuturuan siya kung sino ang dapat piliin kina Louise at Lauren. Napatunayan ng aktor sa nasabing soap na hindi lang kay Louise siya may chemistry dahil puwedeng-puwede rin siya kay Lauren.
Biboy pinagkakakitaan na ang pagpi-picture sa mga pagkain
Active na uli si Biboy Ramirez dahil bukod sa indie film na In Nomine Matris, kasama rin siya sa superhero series ng TV5 na Cassandra: Warrior Angel. Parehong maganda ang kanyang role, kaya natutuwa ang aktor.
Pilot na sa Monday, May 6, 7:00pm. ang Cassandra, pero sa week 3 pa lalabas ang karakter niya bilang pulis at hindi niya alam kung magkakaroon siya ng kapareha. Basta masaya siya na muling mapasama sa soap dahil nami-miss niya ang ganitong tema ng show.
Showing naman sa May 8 ang In Nomine Matris, kung saan, nominated na best actress at best supporting actress ang kasama niya sa movie na sina Liza Diῆo at Clara Ramona.
Bukod sa showbiz, busy din si Biboy sa kanyang photography business. Nagpu-focus siya sa food photography, kung saan, kinukunan ng picture ang mga pagkain na idini-display sa mga restaurant. Huli niyang ginawa ang para sa isang Japanese resto at kung saan, tinikman niya ang 42 plates ng Japanese food. May ginawa rin siya para sa isang apparel na lumalabas sa Internet. Hindi nagkamali si Biboy na mag-enroll ng two-year course ng Professional Photography sa St. Benilde dahil kumikita na siya.
Dennis at Carla papalitan si Richard
May title na ang soap nina Dennis Trillo at Carla Abellana sa GMA 7, ito’y ang My Husband’s Lover na title pa lang, mag-iisip ka na kung babae ba o bading ang magiging lover ng karakter ni Dennis.
Ito ang ipapalit sa Love and Lies ni Richard Gutierrez na nine weeks lang ang airing.