MANILA, Philippines - Nagpadala pala ang dating Hollywood sexy star na si Pamela Anderson ng sulat kay Presidente Benigno Aquino III para hilinging pabilisin ang pag-lipat sa marangal na santuwaryo ni Mali, ang tatlumpu’t siyam na taong-gulang, nag-iisa at may sakit na elepante na nakakulong sa Manila Zoo.
“Salamat po sa inyong malakas na paninindigan sa kanyang kapakanan sa pamamagitan ng pagbigay ng direktiba para isaalang-alang ang paglipat sa kanya sa isang santuwaryo. Sa mundo na puno ng pamumulitika at pagkamakasarili, ang iyong karakter at integridad ay nakakapagbigay ng insÂpirasyon,†sabi ni Anderson sa kanyang sulat. “Sabi nga ni Gandhi, ‘Ang kaÂdakilaan ng isang bansa at ang moral na pag-unlad ay mahuhusgahan sa paraan ng pakikitungo nito sa mga hayop.’ Alam ko na ang Pilipinas ay isang dakilang bansa.â€
Tinapos ng aktres ang sulat sa pagsasabing “Kung sakali na kayo po ay dadalaw sa Los Angeles sa panghinaharap, marahil puwede nating talakayin kung paano pa natin matutulungan si Mali habang tayo ay naghahapunan.â€
Ang PETA ay matagal nang nagkakampanya para sa nagdurusa na elepante.