Odessa, makakaharap na si Adriana?

MANILA, Philippines - Matapos makaligtas sa pagsabog ng barko na bahagi ng mga plano ni Odessa (Aiko Melendez), nanganganib nang mabuko ang totoong katauhan ni Serena (Angelica Panganiban) sa primetime drama series ng ABS-CBN na Apoy sa Dagat. Bagamat natuklasan ni Adriana (Angel Aquino) ang lihim niyang pagpapanggap bilang si Rebecca, itinanggi ito ni Ruben (Piolo Pascual) nang tanungin siya ni Adriana.

Malalaman na rin ba ni Anton (Diether Ocampo) ang lihim na ito ni Serena? Paano mapipigilan ni Odessa ang pagkukunwari ng kanyang anak at ang napipintong pagpapakasal nito kay Anton? At ngayon, magaganap na ba ang muling paghaharap ni Odessa at Adriana?

Huwag palampasin ang mas umiinit na mga tagpo sa Apoy sa Dagat, gabi-gabi, 9:00pm, pagkatapos ng Ina, Kapatid, Anak sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

Illegal recruiter na nanloko ng call center agents, tutugisin

Tutulungan ni Anthony Taberna ang tatlong call center agents na mapanagot ang isang illegal recruiter ngayong Huwebes (May 2) sa Pinoy True Stories: Demandahan.

Nakumbinsi si Ramses at ang dalawa niyang kasama na magtrabaho bilang call center agents kahit na walang pinipirmahang kontrata sa isang bagong Business Process Outsourcing (BPO) na nangakong magbibigay ng P15,000 na suweldo kada buwan. Subalit ayon sa may-ari, makukuha lamang nila ito matapos ang isang buwan.

Lumipas ang isang buwan ngunit wala silang natanggap na kahit ano. Sa halip, pinangakuan silang makakapag-training sa ibang bansa. Dumaan ang ilan pang mga buwan at unti-unting nang di nagpakita ang kanilang employer.

Samahan si Anthony Taberna sa pagdulog ng kaso ni Ramses at ng kanyang mga kasamahan kay Atty. Ryan Quan upang malaman kung paano nila makukuha ang kanilang suweldo sa nawala nilang employer. Sa episode na ito, masusing ipapaliwanag ang mga implementing rules ng Labor Code ng Pilipinas.

Ano ang mga ebidensiyang kailangan nila upang mapagtibay ang kanilang reklamo? Makuha pa kaya ang perang sinikap nilang kitain?

Show comments