^

PSN Showbiz

Puso ni KC pinatitibok ng basketbolista

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Sa guesting ni KC Concepcion sa Kris TV, obvious na isang basketbolista ang nagpapatibok ng puso niya ngayon. Sana nga meron na siyang bago. Para makalimutan na niya ng tuluyan ang hindi magandang pangyayari sa nakaraan niyang buhay. Pinaka-mabilis makalimutan ang isang lalaki ay sa pamamagitan ng  isang lalaki rin. Sana nga may natagpuan ka ng bagong love, in

Pagkakagawa sa boobs ni Heart, maganda

Sana nga makatulong sa kandidatura ni Sen. Chiz Escudero ang isa pang isyu tungkol sa pagpapalaki raw ng boobs ang girlfriend niyang si Heart Evangelista. Nagsawa na marahil ang tao sa away ni Heart sa kanyang mga magulang kaya ibinaling ang pansin niya sa sinasabing breast enhancement nito na ewan ko ba kung ano ang pakialam nila eh may pera naman itong itutustos kung sakali. At dahil artista ito, obligasyon nitong maging maganda palagi sa paningin ng lahat. At marahil maganda ang pagkakagawa ng boobs niya, again kung totoo, dahil napansin ng marami.

‘Sana nagtatago lang ang pag-ibig’

Hindi nga siguro maghihiwalay ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto kung okay pa ang pagsasama nila. But the mere fact na nauwi na ang maganda nilang relasyon sa madalas na pag-aaway, baka nawala na rin ang pag-ibig na nag-uugnay sa kanila. At bago pa mawala completely ang paggalang sa isa’t isa, naghiwalay na lang sila.

Pero sana nagtatago lang ang pag-ibig. Sana lumabas itong muli sa pagitan nila. Sayang ang maraming taon ng pagsasama. Sayang talaga.

CHIZ ESCUDERO

CLAUDINE BARRETTO

CONCEPCION

HEART EVANGELISTA

NAGSAWA

PAGKAKAGAWA

PERO

RAYMART SANTIAGO

SANA

SAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with