MANILA, Philippines - Inilabas na ang resulta ng pinaka-aabanganga line-up ng finalists sa Cinema One Originals Festival 2013.
Ipapakita ng 15 pelikulang napiling itampok sa Festival ang galing ng mga bagong breed ng Pinoy filmmakers.
Ang mga napiling pelikula ay nahahati sa dalawang kategorya, ang una ay mga pelikulang may production budget na 2 milyon, at ang pangalawa naman ay may production budget na 1 milyon.
Kabilang sa CINEMA ONE PLUS category (2M budget) ang sumusunod na limang pelikula:
Kabisera sa direksyon ni Borgy Torre; Sitio sa direksiyon ni Mes de Guzman; Alamat ni China Doll sa direksiyon ni Adolf Alix Jr. ; Woman of the Ruins sa direkÂsiyon ni Keith Sicat.
Kabilang naman sa CINEMA ONE CURRENTS (1 million production budget category) ang sumusunod na 10 pelikula:
Angustia sa direksiyon ni Kristian Cordero; Islands sa direksyon ni Whammy Alcarazen; BuÂkas Na Lang Sapagkat Gabi Na sa direksiyon ni Jet Leyco.
Iskalawangs sa direksiyon ni Keith Deligero, Suffocating Eternity of An Imaged Purgatory, Philippino Story, Shift, Bendor at Riddles of My Homecoming.
Lahat ng napiling mga pelikula ay nagsisilbing pruweba na kaya ring mag level-up ng ating mga local talent.
Ang Cinema One Originals Festival 2013 ay gaganapin sa darating na Nobyembre. Manatiling nakatutok para sa iba pang impormasyon tungkol sa CineÂma One Orignals Festival 2013.