Ipinasok ang Hollywood actress na si Catherine Zeta-Jones sa isang mental health facility nitong nagdaang Lunes para ipagamot ang kanyang bipolar disorder, ayon sa isang ulat ng TMZ.
Sinasabi sa balita na taÂtagal nang 30 araw ang pagpapagamot ng 43 anÂyos na Oscars winner baÂgaÂman hindi binanggit ang pangalan ng naturang mental health facility.
“Jones’ stint in the treatment center is a proÂactive measure,†sabi ng isang impormanteng maÂlapit sa aktres. Ayon nga sa isa pang impormante, isa lang itong pagmamantini.
Huling nakita ng publiko si Zeta-Jones noong Abril 22 nang dumalo siya sa 40th Anniversary Chaplin Award Gala sa Lincoln Center at mukha naman siyang malusog. Kasama niya ang asawa niyang si Michael Douglas.
Sinabi ng publicist na si Sarah Fuller sa ulat ng Associated Press kamakalawa ng gabi na pursigido si Zeta-Jones na laging magpagamot para mamantini nang mabuti ang kanyang kalusugan.
May dalawang taon na ang nakakaraan nang magpagamot sa naturang mental hospital ang aktres dahil sa kanyang sakit na tinatawag na Bipolar 2. Isa itong sakit na kinakikitaan ng pagiging sumpungin at depression at karaniwang nilulunasan sa gamot at psychotherapy.
Kabilang sa nilabasang pelikula ni Zeta-Jones ang Rock of Ages, Playing for Keeps, Broken City at Side Effects.