Kasaysayan ng eleksiyon babalikan

MANILA, Philippines - Mahigit isandaang taon na ang nakalilipas matapos isilang ang eleksiyon sa ating bansa.

Ang proseso ng pagpili kung sino ang iluluklok sa puwesto ay itinuturing na isang sagradong ritwal ng mga Pilipino -- sagrado dahil ang paglilingkod sa ba­yan saan mang demokrati­kong bansa ay isang sagradong tungkulin.

Pero hanggang saan nga ba ang ating nalalaman tungkol sa makulay, maingay, magarbo at min­sa’y marahas na ka­saysayan ng ating pag­pi­li ng kandidato?

Para sa dokumentar­yo ng GMA News TV na pinamagatang Ka­­say­sayan ng Eleksi­yon, isang mahalagang balik-tanaw ang ihahatid ngayong panahon ng eleksyon. Layunin nitong imulat ang kaisipan ng mga Pilipino, botante man o hindi, kung bakit mahalagang matutunan ang mga aral ng nakaraan.

Ang Kasaysayan ng Elek­syon ay pangungu­nahan ng Peabody A­ward winning journalist na si Kara David nga­yong darating na May 5, Linggo, 8:45 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

Show comments