^

PSN Showbiz

Pick-up lines ni Erap, patok na patok!

Pilipino Star Ngayon

Kung noon ay mabentang-mabenta ang tinaguriang Eraptions, ngayon naman ay gumagamit na rin ang dating Pangulo at Manila mayoralty candidate Joseph “Erap” Estrada ng mga pick-up lines.

Ayon sa ilang nag-attend sa rally, isa sa pick-up lines na ginamit ni Pangulong Erap ay: Bumbilya ka ba?”

“Bakit?”

“Kasi madilim eh,” na siyempre ay patungkol sa kanyang kalaban.

Ang isa pang pick-up line ay:

 â€œManileño ka ba?”

“Bakit?”

“Kasi uunlad ang buhay mo kay Erap!”

Sa isa pang campaign rally, tinanong din ni Erap ang kanyang audience ng “Erap ka ba?” Sinagot naman ito ng “Bakit?”

“Kasi panalo ka na!” na naging sanhi naman upang maghiyawan ang mga taong naroon.

Hahaha. Ang husay. Hindi pa rin talaga kumukupas ang Erap magic.

Ibinahagi ni Erap na isa sa kanyang staff ang nag-suggest na gumamit siya ng pick-up lines upang maging mas masigla ang mga barangay caucus na isinasagawa kasama sina reelectionist Vice Mayor Isko Moreno at kasamang kandidato sa pagka-konsehal.

“Nagpapasalamat kami sa mga Manilenyo na matiyagang naghihintay at sa napakainit na pagtanggap sa amin ni Vice Mayor Isko. Kung minsan ay umaabot pa ng hatinggabi para ka­mi ay makita at mapakinggan ang aming pla­taporma de gobyerno,” saad pa ni Erap sa isang press statement.

Mr. Gozon ginamit sa scam

Agad na itinuwid ng GMA 7 ang kumalat na text messages gamit ang pa­ngalan ni Mr. Felipe Gozon na nagsasabing nanalo ang mga nakatanggap ng malaking halaga. Narito ang statement ng GMA 7.

Please be advised that there are text messages circulating using Atty. Felipe L. Gozon’s name saying that the recipient of the message has won a certain amount of money from a foundation. The public is warned that this is nothing but a scam and should not be given attention. Thank you.

Lalaking nanalo ng P14M sa lotto na naubos din ng tatlong buwan, magkukuwento sa Magpakailanman

Ngayong Sabado (May 4), ibabahagi ng Magpakailanman ang kuwento ni Dionie Reyes, isang lalaking naghangad ng magandang buhay para sa kanyang pamilya, ngunit nang manalo ng P14M jackpot sa lotto ay inubos ang pe­rang nakuha sa loob ng tatlong buwan.

Itinatampok si Luis Alandy bilang Dionie Reyes at multi-awarded actress Ms. Jaclyn Jose bilang Minda, ang asawa ni Dionie. Kasama rin sina Dexter Doria, Jay R at Karen delos Reyes.

Ano ang halaga ng tunay na pag-ibig? Masusukat ba ito sa antas ng pamumuhay? Sa rami ng pag-aari? Malalagyan mo ba ng presyo ang nararamdaman mo para sa isang tao?

Magsisimula ang kuwento ni Dionie sa kaniyang panliligaw sa asawang si Minda, isang babae na 14 years ang tanda sa kaniya. Hindi iindahin ni Dionie ang mga panunukso at panunutsa ng ibang tao, bagkus ay ipaglalaban pa niya ang pagmamahal sa babae.

Ngunit mag-iiba ang lahat ng ito nang manalo siya ng jackpot. Lahat kasi ng tao ay magbabago ang pakikitungo kay Dionie, maliban kay Minda. Mananatili itong voice of reason sa mundo ni Dionie na nadala ng mga pangako ng kayamanan. Dahil dito, magkakaroon ng lamat ang pagsasama nina Dionie at Minda.

Unti-unti ay mababago ng kayamanan ang ugali ni Dionie, at unti-unti ring lalayo ang lalaki sa babaeng pinangakuan ng habang-buhay na pagmamahal. Malalapit si Dionie sa mga taong walang ibang nais sa kaniya kundi ang perang kayang ibigay.

Ngunit paano kung ang mabilis na nakamit na kayamanan ay mabilis ring mawala sa mga kamay niya?

Sa pagtuklas ni Dionie kung sino ang tunay niyang mga kaibigan, sino na lang ang malalapitan niya sa panahong siya na ang nangangailangan?

Mula sa mahusay na direksiyon ni Ricky Davao, sundan ang kuwento ni Dionie Reyes ngayong Sa­bado sa Magpakailanman - Nasayang na Jackpot: The Dionie Reyes Story, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

BAKIT

DADDY KO

DIONIE

DIONIE REYES

ERAP

KASI

MAGPAKAILANMAN

MINDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with