MANILA, Philippines - Babalik daw sa ibang mga sinehan starting today ang It Takes A Man and A Woman, ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na pinilihan sa mga sinehan nang ipalabas ito noong Sabado de Gloria pa. Marami pa raw kasing mga nagre-request na ipalabas ito uli. Although hindi naman daw ito naalis sa ibang mga sinehan.
Ayon sa report na natanggap ko, as of April 29, umabot na sa P382,670,704.91 million na ang kinita ng pelikula.
So kung babalik ito sa mga sinehan baka umabot na sa mahigit P400 million ang kita nila.
Speaking of Sarah, isang source ang nagkuwento na hold muna ang gagawin sana niyang drama anthology na Sarah G. Presents. Say ng source, hindi kakayanin ni Sarah ang schedule dahil masyadong mahigpit ang taping ng The Voice of the Philippines kung saan isa siya sa mga judges kasama sina Lea Salonga, Apl.de Ap and Bambo.
Kung sabagay mas okey na rin na mag-The Voice muna siya. Wala na naman siyang patutunayan kung kantahan at aktingan din lang naman ang pag-uusapan. Dito nga sa It Takes A Man And A Woman, maraÂming nagsasabi na malakas ang laban niyang maging best actress dahil pinatunayan niyang kaya niyang umarte sa dramahan man o kakikayan.
Indie films naghari na naman sa Urian
Muling naghari ang indie films sa gaganaping Gawad Urian Awards kung saan nakipagsanib-puwersa silang muli sa Cinema One.
Ito ang pinakamatandang organisasyon ng film critics sa bansa -Manunuri ng Pelikulang Pilipino – na kumikilala sa galing ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng Gawad Urian Awards.
Ito ang ikatlong beses na pagsuporta ng Cinema One sa pagsasakatuparan ng naturang awards night.
“May parehong mithiin ang Cinema One at ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ito ay ang makiisa sa paghahatid ng dekalidad na pelikulang Pilipino, kilalanin ang husay ng gawang atin, at ihatid pa ang mga ito sa mas mataas na lebel,†pahayag ni Ronald Argulelles, channel head ng Cinema One.
Pahayag naman ni Tito Valiente, presidente ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, “Magkaakbay ang mga Manunuri at ang Cinema One sa hangarin. Ang Cinema One ay kilalang institusyon na humihimok sa talento at husay ng pelikulang Pilipino.â€
Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino ay binubuo ng mga film scholar, propesor at mga mamamahayag sa pangunguna ng National Artist na si Bien Lumbera.
Gaganapin ang Gawad Urian Awards 2013 sa Hunyo 18 (Martes) sa Rockwell Tent, Makati City at mapapanood sa Cinema One (Channel 56 sa SkyCable) ilang araw pagkatapos ng awards night.
Kilala ang Urian sa pagkakaroon ng maraming nominees sa bawat kategorya.
Naririto ang listahan ng mga nominees para sa Gawad Urian Awards 2013:
Film
· Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Dilim ng Gabi
· Baybayin
· Bwakaw
· Colossal
· Diablo
· Florentina Ubaldo, CTE
· Mater Dolorosa
· Oros
· Posas
· Thy Womb (Sinapupunan)
Actor
· JM de Guzman (Intoy Syokoy ng Kalye Mariano)
· Nico Antonio (Posas)
· Kristoffer King (Oros)
· Dominic Roco (Ang Nawawala)
· Eddie Garcia (Bwakaw)
· Coco Martin (Sta. Niña)
· Joem Bascon (Qwerty)
· Jericho Rosales (Alagwa)
· Bembol Roco (Thy Womb)
· Adrian Sebastian (Baybayin)
· Ananda Everingham (Kalayaan)
· Anthony Falcon (Requieme)
· Deuel Raynon Ladia (Anac ti Pating)
Actress
· Alessandra de Rossi (Baybayin)
· Assunta de Rossi (Baybayin)
· Gina Alajar (Mater Dolorosa)
· Ama Quiambao (Diablo)
· Jodi Sta. Maria (Aparisyon)
· Shamaine Centenera-Buencamino (Requieme)
· Olga Natividad (Mga Dayo)
· Liza Dino (In Nomine Matris)
· Nora Aunor (Thy Womb)
Supporting Actor
· Joross Gamboa (Intoy Syokoy ng Kalye Mariano)
· Carlo Aquino (Mater Dolorosa)
· Art Acuña (Posas)
· Dax Alejandro (Qwerty)
Supporting Actress
· Alessandra de Rossi (Mater Dolorosa)
· Mylene Dizon (Aparisyon)
· Raquel Villavicencio (Aparisyon)
· Alessandra de Rossi (Sta. Niña)
· Joy Viado (MNL143)
· Clara Ramona (In Nomine Matris)
· Annicka Dolonius (Ang Nawawala)
Director
· Arnel Mardoquio (Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Dilim ng Gabi)
· Aureas Solito (Baybayin)
· Ian Loreños (Alagwa)
· Whammy Alcarazen (Colossal)
· Mes de Guzman (Diablo)
· Lav Diaz (Florentina Ubaldo, CTE)
· Sigfried Barros Sanchez/Racquel Zaballero-Sanchez (Huling Biyahe)
· Adolfo Alix (Mater Dolorosa)
· Maribel Legarda/Maria Isabel Legarda (Melodrama Negra)
· Paul Sta. Ana (Oros)
· Lawrence Fajardo (Posas)
· Emmanuel Quindo Palo (Sta. Niña)
· Brillante Mendoza (Thy Womb)
Mag-amang Edu at Luis nagkaiyakan sa Deal
Wala palang kamalay-malay si Luis Manzano na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan, na ang ama na pala niyang si Edu Manzano ang maglalaro at haharap kay Banker sa kanyang hit game show na Kapamilya Deal or No Deal na napanood noong Sabado (Abril 27). Sinorpesa ni Edu si Luis nang bigla itong lumabas sa entablado at sumayaw ng kanyang hit dance craze na Papaya kasama ang 24K girls. Hindi na nga napigilan ni Luis na mapaiyak habang yakap ng kanyang ama. “Isa sa pangarap ko nang tinanggap ko ang Deal ay mag-host para sa daddy ko, and tonight my wish is coming true,†sabi ni Luis.
Naging emosyonal na rin si Edu habang nagpapasalamat sa lahat ng nasa likod ng programa sa pag-imbita sa kanya. Dagdag pa ni Edu, “Sa mga taga-ABS-CBN, kahit nandoon ako sa kabilang bakod ay nandirito pa rin kayo sa puso ko.â€
‘Yun nga lang, hindi pinalad si Edu na nag mauwi ang milyon pero nakakuha naman siya ng halagang P50,000 na laman nang napili niyang briefcase number 9.
Diretso ang napanalunang P50,000 ni Edu sa Manzano Cancer Wing sa National Children’s Hospital.