Pagpapa-sexy ni Heart hindi masyadong shocking

Si Heart Evangelista ba ang cover ng May issue ng FHM? Ito na ba ang nabanggit minsan ng aktres na first time niyang pagko-cover sa isang sexy maga­zine? Sa nakita naming teaser ng men’s magazine, ang bare back ng subject ang ipinakita, ang polished nails at part ng lips with red lipstick ang ipinakita.

Kung ’yun na ang cover ng FHM, parang hindi masyadong shocking, pero kung si Heart nga ’yun at first time niyang ginawang i-expose ang hubad na likod, maku-curious ang readers. 

Nabanggit din ni Heart na hindi kumontra ang BF niyang si Sen. Chiz Escudero sa first sexy pictorial niya dahil gusto nitong ma-experience niya ang lahat habang bata pa siya.

Aktres na undecided at confused, malapit nang mag-decide

Natuloy na rin pala ang storycon ng controversial teleserye na ang lead actress ay “undecided” at “confused” ang status the last time nakausap siya ng press. Pero wala pa sa storycon ang aktres, isang representative lang nito ang pumunta sa presscon at nakinig sa direktor. Ang ibig kayang sabihin nito, napili na ng aktres kung saan pipirma ng kontrata?

Present din sa storycon ang isa pang aktres na ka-share ng controversial actress sa pagbibida sa teleserye. Contract star siya ng network at tiyak na kilala ng unang aktres dahil parehong network ang pinanggalingan nila.

First week ng May ang scheduled first taping day ng teleserye at May din ang scheduled pilot. Siguro naman bago magsimulang mag-taping ang controversial actress, puwede na siyang pangalanan.

Maganda ang cast ng tele­serye, maganda ang story ayon sa pagkakakuwen­to sa amin at magaling ang director na naging controversial din. Walang rason para hindi ito maging successful.

Iza pressured sa ginawa ni Sharon sa Biggest Loser

Nag-agree si Iza Calzado kay Judy Ann Santos na malakas makatanda ang mapabilang sa Gallery of Distinction at maging Dekada Awardee ng 10th Golden Screen Awards ng Entertainment Press o Enpress. Pero masaya siyang mapabilang sa grupo ng past winners na puro magagaling.

Thankful si Iza sa Enpress dahil wala naman siyang ginagawang special sa grupo pero lagi siyang bi­nibigyan ng love at sinusuportahan. Magandang motivation sa kanya at sa pagpasok niya sa 11th year ng career niya ang nasabing award.

Happy sa kanyang career at love life si Iza, sila pa rin ng boyfriend niyang si Ben Wintle at kahit walang bagong soap, busy siya sa paghahanda sa The Biggest Loser Pinoy Edition ng ABS-CBN. Magsisimula na silang mag-taping dahil ika-can ang first part ng reality show at live ang latter part.

Nakaka-relate si Iza sa show dahil mataba siya rati at pressured din siya dahil si Sharon Cuneta ang papalitan niyang host. Pinanood niya ang season na host si Mega at nangakong gagawin ng maayos ang pagho-host ng Biggest Loser.

Kristoffer gusto talagang magka-award para magkatrabaho

Kasama ni Kristoffer Martin ang parents nang tanggapin ang best supporting actor award mula sa Golden Screen, kaya ang girlfriend na si Joyce Ching agad ang isa sa mga tinawagan para ibalita ang pagkapanalo niya. Nabuking tuloy namin na “honey” ang tawagan ng mga bagets dahil ’yun ang itinawag ni Kristoffer sa nobya.

Sa kanyang acceptance speech, ikinuwento ni Kristoffer na mula nang malamang nominated siya, wala na siyang tigil sa pagdadasal. Gusto niyang manalo para mabigyan pa siya ng more projects sa movie and TV.

First acting award ito ni Kristoffer at privileged siyang mapasama sa list ng winners ng Golden Screen. Motivation niya ito na mas galingan pa ang trabaho sa Kakambal ni Eliana.

Nanalo si Kristoffer sa indie film na Oros na entry sa Cinemalaya last year.

Show comments