MANILA, Philippines - Makulay ang ginanap na pageant night ng Daragang Magayong 2013 noong Sabado ng gabi sa Legaspi Astrodome. Ang Daragang Magayon ay proyekto ni Gov. Joey Salceda at ito ang nagsilbing highlight ng Daragang Magayon Festival.â€
Nineteen naggagandahang Bicolana ang rumampa at naglaban-laban sa korona na napanalunan ni Luvelle Bitara. Ang iba pang mga nanalo - Lady of the Mountain si Liezel Ramos, Lady of the Flower si Jian Realuyo Salazar, Miss Almasorca is Bianca Rizzi Dacir Hondanero, and Miss Tourism si Bernadette V. Salinel.
Nahirapan ang mga hurado sa naging desisyon nila dahil bukod sa ang gaganda nila, paandar din ang galing nilang sumagot sa question and answer portion na wala sa ibang mga sumasali sa ibang beauty pageant.
Si Maggie Wilson-Consunji ang chairman of the board of judges at nakasama niyang naghurado sina JC Buendia, Carla Abellana, Mario Dumaual, Gretchen Fullido, Isah Red, at Jobert Sucaldito.
Ayon sa isang hurado, nagbalak magprotesta si Maggie sa nanalo dahil hindi raw ito favor sa naging boto ng ibang judges pero pinigilan na lang siya.
Malaki ang nagawa ng magandang sagot ni Bitara sa question and answer portion kaya siya nanalo.
Sumulpot naman sa pageant night ng Daragang Magayon 2013 si JM de Guzman na nawawala sa eksena matapos itong maintrigang nalulong sa droga. Kinantahan niya ang mga kandidata at in fairness tinitilian siya ng mga Bicolanong dumagsa sa Legazpi Astrodome.
Bukod kay JM kinantahan din ni Michael Pangilinan ang 19 candidates.
Sa production design at opening number, pasabog na ang napanood namin na inimbitahan para saksihan ang nasabing pageant night. At alam mong ginastusan ng malaki. Nauna nang binanggit ni Atty. Carol Sabio, chief of staff ni Gov., mas malaki pa ang naging budget nila kesa sa Binibining Pilipinas dahil hindi nga sila nagtitipid sa lahat ng aspeto ng nasabing pageant dahil gusto nilang panindigan ang titulong Land of Beauty Queens ang Bicol.
Nanggaling sa iba’t ibang rehiyon ng Bicol ang mga sumali sa Daragang Magayon 2013.
“The Provincial Gov. of Albay invests in these events and promotes them in every town. Our Magayon Execom has constituted the Albay Pageant AcadeÂmy to help train the winners in our town pageants so they would be prepared to win when they compete outside Albay, in the region, in the national contests and in at least three times we have helped them significantly in international contests — Bb. Pilipinas Int’l. Melody Gersbach in China (na namatay na sa aksidente), Bb. Pilipinas Int’l Dianne Necio also in China and Miss World Tourism Int’l. Merell King in Bangkok,†susog ni Gov. Salceda sa ginanap na pageant night.
Nauna ko nang nabanggit sa isang column na marami nang nanggaling sa Bicol na nanalo sa Binibining Pilipinas.
“Nakita na natin ang kanilang kakaibang kagandahan. Sa Ingles, ang tawag diyan ay alluring & devastating beauty. Mapanganib na kariktan. Iyan din kasi ang dalawang elemento ni Daragang Magayon at ng Bulkang Mayon: Kaakit-akit na kagandahan na may kaakibat na panganib,†pagkukumpara ng gobernador na wala palang kalaban ngayong eleksiyon.
Venus Raj nagpresyo nang imbitahan?
Speaking of Daragang Magayon, nagpresyo daw si Venus Raj nang imbitahan siya sa coronation nito noong Sabado ng gabi ayon sa isang source.
As in ang laki raw ng asking price ng beauty queen na parang hindi Bicolana at nanggaling sa nasabing probinsiya.
Ganun. Nakalimutan na niya ang pinanggalingan niya?
Acting ng dating sexy actress na si Yam Concepcion pinupuri
Hindi na pahuhuli sa aktingan ang Kapamilya young stars na sina Ejay Falcon, Arjo Atayde, Yam Concepcion, Jed Montero, at Ketchup Eusebio matapos nilang patunayan na kaya nilang makipagsabayan sa mga beteranong actor ng Kapamilya Gold action-drama series na Dugong Buhay.
Ayon kay Ejay, bukod sa kanyang matagal na paghahanda para sa mga kaabang-abang na action scenes ng kanyang mapaghiganting karakter na si Victor, naging malaking tulong para sa kanya ang mga payo ng mga nakatatandang aktor sa serye. “Dahil sa Dugong Buhay mas lalo pong lumawak ang kaalaman ko bilang aktor at natutunan ko rin po na mas maging seryoso sa craft na pinili ko,†sabi ni Ejay na nangangarap ding mag-aral sa University of the Philippines.
Bagama’t nakakaramdam ng matinding pressure sa kanyang bawat eksena, sinabi naman ni Arjo na itinutuon na lamang niya ang kanyang pansin sa pagganap ng kanyang karakter na si Rafael. “Kapag nakakaramdam po ako ng pressure, nagtatanong na lang po ako sa kanila ng advice kung ano ang dapat kong gawin. Nakakawala po kasi iyon ng pressure dahil parang pamilya lang po kami na nagtutulungan sa set,†pahayag niya kahapon sa ginanap na presscon.
Isang karangalan naman para kay Ketchup ang makatrabaho ang beteranong cast ng Dugong Buhay tulad nina Nonie Buencamino, Christian Vasquez, at Sunshine Cruz. “It’s more of a privilege than pressure para sa akin tuwing nakakaeksena ko ang mga premyadong aktor sa industriya dahil sobrang dami ko talagang natututunan sa kanila,†sabi niya.
Umaapaw naman ang kasiyahan ng dalawang leading ladies nila dahil sa magagandang feedback na kanilang natatanggap para sa kanilang pagganap sa itinuturing nilang biggest break sa showbiz.
Mula sa kanyang pagpapaseksi sa iba’t ibang indie at mainstream na pelikula, hindi pa rin makapaniwala si Yam na sa kanya ipinagkatiwala ang role ni Sandy. “First ever teleserye ko ito sa ABS-CBN kaya mas lalo kong pinagbubuti ang sarili ko sa bawat eksena na ginagawa ko,†sabi ng sexy actress na sabi nila’y mas magandang version ni Anjanette Abayari at pinupuri na ang acting.
Tulad ni Yam, inamin ni Jed na binago ng Kapamilya Gold teleserye ang kanyang buhay bilang isang artista. “Ang dami-dami ko talagang natututunan sa role ko bilang si Trisha. Dahil po sa mga kasama naming bigating artista, mas lalong nakaka-motivate para sa akin na patunayan ang sarili ko sa role na ibinigay nila sa akin,†ani Jed.
Mula sa paglikha ni Carlo J. Caparas, consistent na nangunguna ang Dugong Buhay sa timeslot nito mula nang umere noon Abril 8. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Toto Natividad at Mikey del Rosario.
Makapigil-hiningang ang mga eksena sa Dugong Buhay kaya naman may mga nagsasabi na mas maganda sana kung sa Primetime slot ito mapapanood.