Vin Diesel at iba pang Hollywood stars makiki-street party sa MOA

Handang-handa na ang Solar-United International Pictures sa pagdating ng mga artista ng Fast & Furious 6 sa Mayo 14. Nakalatag na ang activities para sa mga artistang sina Vin Diesel, Michelle Rodriguez, Gina Carano, at Luke Evans.

Narito rin sa bansa ang mga press mula sa iba’t ibang bansa sa Asia para makilahok sa red carpet premiere. Magkakaroon ng interview para sa print at TV sa Mayo 15. Sa Mayo 16 ang red carpet premiere ng pelikula ng 4 p.m. at susundan ng street party sa Mall of Asia sa Pasay City pagkatapos.

Mayroon ding photo shoot kasama ang mga kumbidadong artista ng Fast & Furious 6.

KUYA GERMS NAGING EMOSYONAL SA PARANGAL

Napaluha si German “Kuya Germs” Moreno sa parangal na tinanggap niya sa 50th anniversary niya na ipinagkaloob ni Gilberto Duavit. Kung saan naging matagumpay siyang producer, host, at star builder.

Ipinagkaloob din sa kanya ni Atty. Felipe Gozon ang coffee table book na naglalaman ng kanyang buhay noon at ngayon.

Laging sinasabi ni Kuya Germs ang kahalagahan ng kaibigan nang higit pa sa yaman dahil sila ang magiging karamay sa lungkot at saya. Naging matatag ang pagiging magkaibigan nila ni Ms. Gloria Romero sa pagdaan ng maraming taon.

Kahit nakamit ang malaking tagumpay sa buhay ay laging nakatungtong ang mga paa ng Master Showman sa lupa at mahal talaga siya ng showbiz industry.

Maraming natulungan si Kuya Germs sa mga artista na sikat na sikat na ngayon gaya nina Sharon Cuneta, Nora Aunor, at Dawn Zulueta.

Show comments