Glaiza De Castro dadayo sa Maginhawa Street
MANILA, Philippines - Matapos ang mga nakaraan nilang food adventures, hindi paawat sa pagtikim ng masasarap na pagkain sina Solenn Heussaff at Belle Daza. At sa kanilang paghahanap ay makakarating sila sa Maginhawa Street, isang strip sa gitna ng Quezon City na puno ng mga unique na restaurant at cafe!
Makakasama nina Solenn at Belle ang Kapuso star na si Glaiza de Castro. Magkikita sila sa Provetto Art Gallery, isang restaurant/ bar na nag-e-encourage sa mga customer na mag-drawing gamit ang mga art materials na makikita sa bawat mesa. Pupuntahan ni Belle ang When Uan Met Sally, isang boutique kung saan matatagpuan ang handmade accessories, hand-painted bags, at ang isang magandang garden café sa likod nito. Titikman naman ni Glaiza ang mga specialty sa BlackSoup Cafe and Art Space.
Macha-challenge naman ang tatlo dahil sa four spicy levels ng hot wings na inihahain exclusively sa Chili & Ink. Susubukan rin nila ang budget-friendly sinigang na ulo sa miso at Jek’s Kubo Ulo Ulo and Bulalo. Finally, sisilipin ni Solenn ang leather accessories sa Our Tribe shop at aalamin niya kung paano nga ba gumawa ng bag.
Samahan sila Solenn, Belle, at Glaiza sa kanilang Maginhawa trip ngayong Sabado sa Taste Buddies, 5:40 p.m., sa GMA News TV.
- Latest