MANILA, Philippines - Naloka ang mga Bicolano na nakiisa sa Kudkuran Festival (as in kudkuran ng niyog) nang magsalita si Tita Lolit Solis sa mikropono na siya na ang bagong first lady ng Bicol.
Hahaha!
Yes, as in sinasabi niya sa lahat doon na dapat siyang pakisamahan ng mga Bicolano dahil hindi nakalampas sa kanyang alindog ang gobernador ng Bicol. Single raw kasi si Governor Joey Salceda kaya naman wala siyang pakialam na i-announce na siya na ang first lady.
“Sasabihin ko ‘yan kay Joey de Leon. Hindi na siya ang Joey ng buhay ko,†tawa nang tawa niyang kuwento sa telepono nang tumawag sila ni Tita Ethel Ramos mula sa Bicol kung saan inimbitahan sila ng governador para mag-ikot sa Bicol.
“Nang pumunta kami sa Misibis Bay, hindi siya nakatiis (Gov. Salceda), sumunod siya sa amin,†natatawa pang kuwento ni Tita Lolit.
Edu nagpapagawa ng expansion ng cancer wing para sa mga bata
Sa sariling bulsa ni Edu Manzano nanggagaling ang lahat ng ginagastos sa ipinatayo niyang Adrian Manzano Cancer Wing sa National Children’s Hospital sa Quezon City na ngayon ay magkakaroon ng expansion dahil sa pagtatayo ng phase 3 ng wing kaya hindi biro ang ginagastos niya. Pero ayaw magbigay ng halaga ni Edu kung magkano na ang nagastos niya rito.
“’Wag na nating banggitin ang halaga. Ang importante meron akong naibibigay. Mawawala ‘yung purpose kong tumulong kung iisipin ko kung magkano na ang nagagastos ko,†sabi ng TV host-actor na iisa lang ang programa sa TV5 sa kasalukuyan, ang Good Morning Club.
Wala ring koneksiyon sa pagiging pulitiko niya noon ang pagpapagawa niya ng cancer wing sa nasabing hospital.
Kaklase niya ang medical director ng National Children’s Hospital kaya naging possible ang pagpapatayo ng Cancer Wing para sa mga batang may sakit na galing probinsiya at walang matuluyan dito sa Maynila.
Iba’t ibang klase ng mga batang may sakit ang tumutuloy doon.
At para mas maging magaan ang mga nasabing lugar, pinaganda nila nang husto at nilagyan ng mga laruang puwedeng pagkalibangan ng mga bata. Puwede silang magtakbu-takbo roon para pansamantalang kalimutan ang kanilang nararamdaman.
Galing sa iba’t ibang sulok ng bansa ang mga tumutuloy doon.
“Minsan hindi ko rin kinakayang makita silang nahihirapan. Kawawa talaga,†dagdag ni Edu na ayaw na munang gumawa ng teleserye dahil sa magdamagang taping nito.
Marami nang bata ang nakinabang sa Adrian Manzano Cancer Wing kaya naisipan ni Edu na magtayo ng expansion para mas marami pa silang bata na matulungan.
May dala pa siyang isang sulat ng pasasalamat ng isang batang natulungan nila.
Ang naging trabaho ng kanyang ama sa Boys Town ang naging inspirasyon niya para gawin ito.
After ng pakikipagtsikahan niya sa amin, dumiretso siya sa taping ng Deal or No Deal para sa birthday episode ni Luis Manzano.
Consistent din si Edu sa decision niyang ‘wag mag-showbiz ang dalawa niyang anak kay Rina Samson na sina Enzo at Adi.
Inuulit niyang gusto niyang mga maging katulad ito ni Luis na nagtapos muna ng kolehiyo bago nag-showbiz.