Aktres kontrang ma-in love ang anak na 30 anyos na

Wagas ang reaction ng aktres na may anak na nali-link sa isang young aktres. Wala pa nga kaming sinabi at tinanong lang ang pangalan ng anak, nag-react na agad ang aktres. Hindi raw totoo ang tsismis at friends lang ang anak at ang aktres, nang tanungin ng isang reporter kung ilang taon na ang anak, aba’y lagpas 30 years old na pala.

Sa nakita naming reaction ng may edad ng aktres, na-feel naming magkakaproblema ang young actress ‘pag natuloy sa relasyon ang closeness nila ng anak nito. Sa simula pa lang, kita na agad na ayaw pa ng aktres na magkaroon ng karelasyon ang anak.

Nangako pa naman ang young actress na ibabalita sakaling maging sila na ng anak ng aktres na kasama pa naman niya sa nilalabasang teleserye. Mabuti na lang at wala yata silang eksenang magkasama dahil kung meron, baka mailang ang young actress.

Direk Lino naghihintay pa sa pangako ni Kris

Para malibang kahit sandali, sinubukan naming mga reporter na ipa-solve sa magkapatid na Sen. Allan at Lino Cayetano ang hindi masagot na game sa iPhone 4S at iPhone 5 na 4Pics 1 Word. Dahil busy sa pangangampanya, hindi alam ng magkapatid ang bagong app at bagong pinagkakaabalahan ng iPhone users.

Naaliw ang magkapatid at nagtanong kung paano laruin ‘yun at in-explain naman ng press with matching payo na i-download nila at laruin minsan para kahit sandali’y maalis ang stress nila.

Si Lino ay tumatakbong Congressman sa 2nd district sa Taguig at reelectionist si Sen. Allan na lubos ang pasasalamat kay Mother Lily dahil iniharap siya sa entertainment press at narinig ang plataporma niya at sagot sa mga ibinabatong isyu sa kanya, gaya nang palaaway siya na kanyang itinanggi. Kaya lang, ‘yung poster niya, nakasuot si Sen. Allan ng boxing glove at parang may susuntukin.

Naniwala kami sa sinabi ni Mother Lily na mabuting tao si Sen. Alan dahil nang tanungin sa reaction niya na sa latest survey ay number two na siya at napalitan si Sen. Chiz Escudero, inaming natutuwa siya, pero may halong lungkot dahil kaibigan niya si Chiz. Kung puwede lang pareho silang mag-number two!

Nabanggit ni Lino na nangako si Kris Aquino na tutulungan siya sa kampanya, si Pokwang ay nag-concert na sa Taguig at ang ex na si Bianca Gonzales ay pumunta na sa Taguig.

Ang hindi pa nagpaparamdam ay ang exes niyang sina KC Concepcion, Carmen Soo, at Liz Uy.

Nadine dedbol sa kidlat

May last three days taping pa ang Kidlat, pero alam na nina Nadine Samonte at Ritz Azul kung sino sa kanila ang makakatuluyan ng karakter ni Derek Ramsay. Napansin lang namin na masaya si Ritz habang kausap namin at si Nadine ay medyo malungkot. Ang clue naman ni Derek, isa sa dalawa ay mamamatay.

Clue na rin siguro ang sinabi ni Nadine na lahat nang nangyari sa script ay unexpected at may big twist.

Sa tanong kung happy siya sa ending, ang sagot ay “Kung ‘yun ang mas mabuti sa karakter mo” at “kung ‘yun ang gusto ng production” ang sagot, kaya alam na.

Hindi man natuloy sa relasyon ang closeness nina Nadine at Derek, may nagpapasaya sa aktres ngayon at kung walang kokontra, baka ang non-showbiz guy na ito na nakilala niya sa wakeboar­ding. Parehong enjoy sa wakeboarding ang dalawa at balak pa ni Nadine mag-compete sa August.

“It’s getting there” ang sagot ni Nadine sa tanong kung MU na sila.

At last Tuesday, pumunta ito sa bahay nila. “He’s cute at like ko ang chinito guys,” description ni Nadine sa bagong inspirasyon.

EnPress mamimigay ng Dekada Awardees

Si John Lapus ang main host sa 10th Golden Screen Awards ng EnPress o Entertainment Press Society na gaganapin sa April 27, Satur­day, sa Teatrino sa Promenade sa Greenhills. Kabilang sina Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, at Christian Bautista sa performers.

Bukod sa pamamahagi ng trophy sa winners sa iba’t ibang kategorya, paparangalan din ng Golden Screen ang mga artistang nanalo na ng two or three awards sa 10 years na namimigay ng awards ang EnPress.

Tinawag silang Dekada Awardees at bibigyan ng Gallery of Distinction trophy. Kasama sa awardees ang pitong aktres, limang aktor, isang director at tatlong film producers.

Show comments