Mainit na pinag-uusapan ang open letter ni Inday Barretto sa kanyang anak na si Gretchen Barretto na lumabas kahapon sa Philippine Star.
Mismong si Mrs. Barretto ang nagpadala kay Papa Ricky ng sulat bilang pagtatanggol sa kanyang youngest daughter na si Claudine.
Nabasa ko ang sulat at halata ang malalim na tampo ni Mrs. Barretto kay Gretchen. Pasabog ang content ng sulat na siguradong nabasa ni Gretchen. Mabigat ang mga paratang ni Mrs. Barretto sa kanyang anak. Imposibleng hindi mapaiyak si Gretchen dahil ang impression ng readers, hindi siya mabuting anak at kapatid.
Ang sabi sa akin ni Papa Ricky, sinubukan niya na kunin ang panig ni Gretchen pero hindi ito sumasagot.
Kung sinagot ni Gretchen ang mga text at phone call ni Papa Ricky, tiyak na lumabas din agad kahapon ang sagot niya sa mga bintang ng kanyang ina.
Daragang Magayon Festival dinarayo!
Nandito ako ngayon sa Legazpi, Albay sa imbitasyon ni Governor Joey Salceda. Hindi ko napahindian ang imbitasyon ng mahusay na gobernador ng Albay dahil matagal na rin mula nang makarating ako sa Bicol. Miss ko na ang Mayon Volcano at ang hospitality ng mga Bicolano.
Inimbitahan ni Governor Salceda ang mga miyembro ng media dahil matatapos sa April 30 ang month-long celebration ng Daragang Magayon Festival. Si Papa Joey ang punong-abala sa Daragang Magayon Festival na super successful dahil dinayo ng mga turista ang Legazpi. Albay.
Sa airport pa lang ng Legazpi, nakita ko agad ang malaking pag-unlad ng Albay dahil sa maayos na panunungkulan ni Papa Joey. Dumiretso kami sa Oriental Hotel para mananghalian at tikman ang mga ipinagmamalaking pagkain ng mga Bicolano. Sosyal na sosyal ang Oriental Hotel na puwedeng ipantay sa mga five star hotel sa Maynila.
Maraming artista ang bumisita sa Albay mula nang magsimula ang Daragang Magayon Festival noong April 1. Natuwa ang mga artista sa mainit na pagtanggap sa kanila ng ating mga kababayan na Bicolano kaya nangako sila na babalik sa Albay para subukan uli ang ATV rides at siyempre, magbakasyon sa world class na Misibis Bay.
Maraming salamat kay Joey Salceda, sa kanyang staff at siyempre, kay Ambet Nabus dahil sa pag-aasikaso nila sa akin at kay Papa Ricky Lo na kasama ko sa Legazpi trip.
Mother Lily maraming tinutulungang mga kandidato
Personal na tinawagan ni Mother Lily Monteverde si Senator Allan Peter Cayetano para sabihin na sinusuportahan niya ang re-electionist na senador.
Ang sabi ni Senator Allan, sino siya para tumanggi kay Mother na sinuportahan din noon ang kanyang candidacy.
Hindi lamang si Senator Allan ang binigyan ng presscon ni Mother dahil suportado rin nito ang congressional bid ng direktor na si Lino, ang nakababatang kapatid ng senador.
Malayo na ang narating ni Lino na nagsimula sa GMA 7 ang career bilang direktor. Sa mga madaling makalimot, si Lino ang kauna-unahang direktor ng Starstruck at ang Kapuso network ang nagbigay sa kanya ng big break sa TV.
Hindi lamang si Senator Cayetano ang senate candidate na tinutulungan ni Mother Lily dahil suportado rin nito sina Grace Poe, Bam Aquino, at Senator Loren Legarda.
Knowing Mother, tiyak na tumutulong din siya sa kandidatura ng ibang mga artista. Teka, tinutulungan din ni Mother ang mayoralty bid ni Papa Joseph Estrada sa Maynila! Talagang Mother knows best!