MANILA, Philippines - Hindi nagparamdam si Gretchen Barretto sa Instagram kahapon matapos siyang tawaging sinungaling ng kanyang sariling nanay na si Inday Barretto na lumabas sa column ni Tito Ricky Lo sa The Philippine Star. Samantalang isa siya sa pinakamasipag mag-post ng photos sa kanyang account. Bawat puntahan niya, may pictures lalo na pag nasa anti gravity session siya, isang klase ng yoga na lumalambi-lambitin gamit lang ang mga tela.
Nagsu-zumba din siya at ang bagong kasa-kasama niya ay si BB Gandanghari.
Pero nga ay tahimik ang mundo niya sa Instagram. Ang huling post niya, ‘Love More Worry Less’ na pinutakti pa ng mga ‘galit’ sa kanya.
Ginawa pang isyu ang kesyo hindi naman daw siya kasal kay Tony Boy Cojuangco samantalang si Claudine Barretto ay kasal kay Raymart Santiago.
Say pa ng isa (bhie-babe), “daming picture na kasosyalan, pero kahit isa walang kasama ang mga magulang.â€
Pero meron din naman mga kumampi kay Gretchen at nagagalit kay Claudine na tinawag pa nilang losyang.
At meron din namang hindi pabor sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. “ano bang klaseng pamilya to? biniyayaan ng magagandang mukha, mga sikat at ma pera pero sila sila nagkakagulo ultimo nanay nila parang hindi kayang i resolba ang gulo ng mga anak nya sa mismong tahanan nila at kelangan mag labasan ng baho sa publiko. walang magandang balita sa magkakapatid na to kundi mag away at mag kampihan, isa laban sa dalawa at ung dating magkakampi eh kakampi naman ng kaaway nila dati,†sabi ng isang online reader.
Samantala, ang anak naman nila ni Mr. Tony Boy Cojuangco na si Dominique ay nag-tweet na “I know my mum more than anyone.â€
Anyway, in a nutshell, lumabas sa column ni Tito Ricky kahapon ang galit ng ina kay Gretchen dahil sa mga ginagawa nitong pag-aapi na tinawag na ‘evil manipulation’ dahil sa ginagawa ni Gretchen at Marjorie kay Claudine.
Pati ang mga bata ay nadamay kung saan lumabas na nilalait-lait daw ni Gretchen ang dalawang anak ni Claudine at tinawag na negra ang panganay na si Sabina, abnoy ang anak nila ni RayÂmart at bading pa raw ang mister ng kapatid.
Matindi ang mga akuÂsasyon ni Mrs. Inday Barretto kay Gretchen, wasak na wasak siya sa sariling ina.
“Claudine has no “menÂÂtal illnessâ€â€¦â€œmenÂtal torture,†yes, courtesy of an evil manipulation!,†sabi pa ni Mrs. Barretto bilang pagtatanggol kay Claudine.
Matagal nang piÂnag-uusapan ang isÂyu sa kanilang pamilya pero walang umaamin maging sa hiwalayan nina Claudine at Raymart pero ngayon ay hindi lang pala simpleng awayan, matinding iskandalo sa pamilya.
Actually, hindi na bago ang eskandalo ng magkakapatid. Noon pa man ay nag-aaway-away na sila.
Zia Quizon, bagong kapamilya ng Star Magic
Miyembro na ng Star Magic ang showbiz royalty - anak nina Comedy King Dolphy at Divine Diva Zsa-Zsa na si Zia Quizon..
Ang singer na si Zia nagpasikat ng hit songs na Ako Na Lang and Simple Girl, ay aminado na hindi itinuring na maging karera ang pagkanta. Gusto lamang niya noon ay magtanghal sa mga school events pero nang maglaon ay naging first love na rin niya ito. Ipinagpaliban muna niya ang hilig na ambisyon na maging isang manunulat at nagpursige sa kanyang karera bilang isang singer.
Nakatadhana kay Zia ang maging bahagi ng showbiz kaya naman naging bahagi agad siya ng Acoustic Republic segment ng ASAP. Ngayon ay 21 years old na si Zia at tatlong taon na sa showbiz, nais niyang patunayan ang kanyang talent at makilala bilang isang mahusay na performer.
Napatunayan ni Zia ang kanyang galing nang kilalanin bilang Best Performance by a New Female Recording Artist at Song of the Year naman ang kanyang kanta sa 25th Awit Awards noong nakaraang taon.
Abala ngayon si Zia sa kanyang bagong album na ilo-launch ngayong taon. Katatapos lamang niyang mag-record ng isang kanta tungkol anti-bullying campaign na Katulad ng Iba. Ginawa rin niya ang music video ng nasabing kanta kasama ang kilalang rapper na si Gloc-9.
Masaya si Zia na kapamilya na siya ng Star Magic. “I was very much happy when I found out that was joining the Star Magic family. It’s very comforting for me and I’m excited.â€