^

PSN Showbiz

Missing You panalo sa primetime

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumalo agad sa ratings ang pinakabagong Korean drama na handog ng ABS-CBN sa primetime na Missing You matapos itong makatamo ng national TV rating na 14.4% na mas mataas sa 9.4% ng kalabang programa na The Greatest Love sa GMA 7, base sa pinakahuling datos ng Kantar Media. Napanatili ng naturang Koreanovela, na kinatatampukan ng dalawa sa pinakasikat na Asian artists ngayon na sina Park Yoo-Chun at Yoon Eun-Hye, ang mataas na rating sa time slot na iniwan ng katatapos lang na soap na Kailangan Ko’y Ikaw.

Gumawa rin ng ingay ang programa at nag-trend pa sa social networking site na Twitter. Ang Missing You ay kuwento ng isang lalaking kailanman ay hindi isinuko ang pag-ibig para sa babaeng pinakamamahal niya. Kinse anyos pa lang sina Julius Han at Joy Lee nang paghiwalayin sila dala ng isang trahedya. Makalipas ang 14 taon, muling magkukrus ang kanilang landas. Si Julius ay isa ng homicide detective habang si Joy ay babalik ng Korea bilang fashion designer na si Zoe.

Nararamdaman ni Julius sa kanyang puso na si Zoe ang babaeng kanyang minahal noon ngunit sadyang ikukubli naman ni Joy ang katotohanan mula sa dating minamahal para maghiganti. Huwag palalampasin ang Missing You, Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Apoy sa Dagat sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

GREATEST LOVE

JOY LEE

JULIUS HAN

KAILANGAN KO

KANTAR MEDIA

MISSING YOU

PARK YOO-CHUN

PRIMETIME BIDA

SI JULIUS

YOON EUN-HYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with