^

PSN Showbiz

Sam tanggap kung patataubin siya ni Marian bilang sexiest woman

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Lumabas na ang first partial result ng FHM Search for 100 Sexiest Women at nanguna sa Top 10 si Marian Rivera. Sumunod sa kanya si Angel Locsin at third si Sam Pinto.

Ang iba pang pumasok sa Top 10 ay sina Solenn Heussaff, Cristine Reyes, Anne Curtis, Georgina Wilson, Angelica Panganiban, Jessy Mendiola, at Ellen Adarna. Nagsimula ang voting noong April 1 at hanggang June 5.

Nauna nang nagpahayag si Sam na okay sa kanya kung si Marian ang ma­na­nalo this year at tatanghaling sexiest woman ng bansa but, for sure, lalaban siya ng husto. Matagal pa ang botohan, hindi pa sigurado kung sino ang ma­nanalo sa mga pumasok sa Top 10.

Kris abala sa hearing sa kaso nila ni James

Dalawang araw na naman sa linggong ito ang hearing ni Kris Aquino sa kaso nila ng ex-husband niyang si James Yap. Kahapon at sa Friday ang hearing ng TV host-actress pero walang update dahil pinagbawalan ang kanya-kanyang kampo na magsalita tungkol sa kaso.

Hindi pa pala nagpapa-interview si Kris mula nang dumating from her vacation at sa kanyang Kris TV lang nakakakuha ng balita ang followers niya. Saka may lumalabas lang na bagong balita kay Kris sa official statement na inilalabas ang ABS-CBN.

Anyway, maluwang ang schedule ng TV host-actress dahil nagti-taping lang siya ng Kris TV at live ang Pilipinas Got Talent tuwing Sabado at Linggo.

Ryzza Mae inilagay sa sitsirya

Bongga talaga si Ryzza Mae Dizon dahil may sitsirya na ipinangalan sa sayaw na ipina­uso niya — ang cha-cha. Sa wrapper ng Cha Cha, may three pictures ni Ryzza na iba’t iba ang posing at dito pa lang matutuwa na ang mga batang bibili.

Hindi lang kami sure kung anong klaseng sitsirya ang Cha Cha dahil walang sinabi.

Marami pala ang naaaliw kay Ryzza sa kanyang The Ryzza Mae Show at may mga nagre-request kung puwedeng magkaroon na ito ng launching movie. Naalala naming may plano noon ang TAPE, Inc., at Regal Entertainment na i-launch si Aling Maliit sa isang horror-comedy, ano na kaya ang nangyari sa planong ’yun?

Fans ni Lauren hinihiling si Elmo!

Masaya si Lauren Young sa taping ng Mundo Mo’y Akin dahil mula sa crew, staff at co-stars niya ay mabait sa kanya. Maganda ang working relationship niya lalo na kina Alden Richards at Louise delos Reyes kahit love triangle sila sa story.

Funny guy daw si Alden, madaling katrabaho. Sobrang bait naman si Louise at nagtutulungan sila sa mga eksenang magkasama sila.

“They are very professional,” patungkol ni Lauren sa dalawa.

Pumirma ng three-year exclusive contract sa GMA Network si Lauren at unang project niya ang Mundo Mo’y Akin. Pakinggan kaya ng Channel 7 ang request ng fans ni Lauren na itambal siya kay Elmo Magalona?

Young actress keroppi ang tawag sa lalaking nanggulo at nagbigay ng matinding problema sa kanya

Natawa naman kami sa tawag ng young actress (YA) sa taong nagbigay sa kanya ng matinding problema at patuloy na nanggugulo sa buhay niya. Malutong na “Keroppi” na isa sa Sanrio character ang tawag nito sa lalaki na for sure ay walang kamalay-malay na ganun ang tingin sa kanya ni YA.

Sa harap lang ng mga kaibigan sa press tinatawag ni YA ang lalaking nagbigay sa kanya ng matinding problema at sinaway pa nga ng kanyang manager kaso narinig na namin.

Nagtataka lang ang manager ni YA kung bakit madaling pinaniwalaan ang tsismis sa talent niya at ni Keroppi pero sa ibang aktres ay dine-deadma.

Anyway, may magandang balita si YA na may kinalaman kay Keroppi pero saka na lang niya sasabihin at baka hindi na iparating sa press.

 

ALDEN RICHARDS

CHA CHA

KANYA

KEROPPI

LANG

LAUREN

MUNDO MO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with