Dr. Vicki wini-wish na maibalik ang lisensiya sa pagka-doktor ni Hayden

PIK: Best friend pa rin ang tawag ni Dr. Vicki Belo kay Hayden Kho, Jr. Kaya all-out ang suporta nito sa pelikulang The Bride and the Lover na may mahalagang papel na ginagampanan ang kontrobersiyal na doktor.

Sabi ni Doktora Belo, parang bumalik nga raw ang interes ni Hayden sa showbiz pero iisa pa rin ang wish niya para sa kanyang “best friend,” sana ay mabalik na ang lisensiya nito sa pagkadoktor.

PAK: Malaking selebrasyon ang pinaghahandaan ng GMA 7 sa 50th anniversary ni German Moreno sa showbiz na gaganapin sa Newports Performing Arts Theater sa Resorts World sa Pasay City.

Walang taping sa araw na iyon para matiyak lang na makarating ang lahat na mga Kapuso artist.­

Sa halip na mag-taping sila sa kanilang drama program, sa anniversary show ni Kuya Germs na sila magti-taping na gagawin nila bukas ng hapon na inaasahang dadagsa ang maraming artista hindi lang taga-GMA 7, kundi pati mga Kapamilya at Kapatid talents.

BOOM: Pinaghahandaan na ng mga miyembro ng StarStruck Batch 1 ang gagawin nila uling reunion pero gagawin nila sa ibang bansa at kasama na ang kani-kanilang anak.

Ang dami na kasi nilang mga kasamahan na may kanya-kanyang anak na kaya this time isasama na nila ito.

Dapat pala ay magsasama-sama sila uli sa binyag ng anak ni Yasmien Kurdi pero hindi naman sila nakarating dahil may trabaho sila sa araw na iyon.

Kaya babawi na lang daw sila sa susunod nilang reunion.

Show comments