MANILA, Philippines - Isang buwan na raw talagang hiwalay ang mag-asawang showbiz na hindi tinigilan ng mga intriga.
Narinig kong pinag-uusapan na willing na raw magsalita ang aktres tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.
Nanghihingi na raw ng tulong ang aktres sa ibang kaibigan kung ano ang gagawin niya ngayong hiwalay na nga sila ng asawang actor.
Hindi na raw umuuwi ng kanilang bahay ang actor.
Hindi lang klaro sa kuwento kung nasaan ang anak ng mag-asawa, kung nasa aktres o asawang actor.
Consistent ang denial ng actor tungkol sa kalagayan ng relasyon nila ng asawang aktres, pero isang reliable source na ang nagkumpirma.
Wowowillie under probation ng tatlong buwan
Ay binigyan pala ng tatlong buwan na probation ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programang Wowowillie ng TV5.
Naging basehan ng probation ng MTRCB ang mga seksing babae na halos kita na ang kaluluwa na lumabas sa programa sa ilang mga episode nito.
Inilagay din sa Strong Parental Guidance (SPG) classification ang programa na ang ibig sabihin ay hindi na ito basta-basta mapapanood ng mga bata kung walang kasamang nakatatanda.
“The MTRCB, through the panel, ordered placing the progÂram under probation, subjecting it to per-episode review for 3 months, and subjecting it to an SPG (Strong Parental Guidance) rating effective immediately. TV5 and Wowowillie were further required to submit reform and self-regulatory measures by 06 May 2013,†ayon sa MTRCB.
Nag-apologize na naman daw ang programa sa ginawa nilang kasalanan.
Anne nag-uumapaw ang confidence
Mula sa pagkanta ng patiwarik sa kanyang noontime show, pagbirit sa harap ng dumadagundong na Araneta Coliseum na animo’y isang tunay na concert performer at pakikipagsabayan sa ilan ring talented na personalidad, hanggang sa pagsakay sa MRT para lang hindi ma-late sa kanyang calltime, talaga namang hindi paawat at handang harapin ni Anne Curtis ang anumang hamon na dumaan sa kanya.
Ang mga katangiang ito ni Anne na nagpapamalas ng umaapaw niyang confidence upang makapagpasaya ng kapwa ang nakita ng Wrigley Philippines, distributor ng Doublemint, kung kaya’t siya ang napili nitong bagong brand ambasadress ng kilalang chewing gum.
“Siya ang laging pasimuno ng saya at nagbabahagi ng good vibes sa barkada. Ipinapamalas niya kung ano talaga ang Doublemint dahil sa sobrang pagkamasayahin at pagka-game niya sa anumang bagay.†sabi ni Mary Rose Zamora, ang senior product manager ng Doublemint.
Tulad ni Anne, maari ring maging game at on-the-go ang buong tropa lalo na kung may fresh breath hatid ng Doublemint. May doble-dobleng dare namang inihanda si Anne para sa inyong barkada kaya’t subaybayan siya sa Facebook page ng Doublemint Philippines.
Ngayong buong buwan ng Hulyo, panoorin si Anne na ipamalas ang Doublemint spirit sa kanyang hit horror, comedy, at romantic movies sa nangungunang cable channel sa bansa at official media partner ng Doublemint na Cinema One. Pakaabangan ang mga pelikulang Wag Kang Lilingon, All About Love, Babe I Love You, Ang Cute ng Ina Mo, at No Other Woman, na pumalo sa takilya at tumalo ng box-office records.
Anyway, four million na ang followers ni Anne sa Twitter.
Never Say Goodbye tuloy ang pagbabu kahit binalikan ni Ate Guy
Napabalita kamakailan na namataan sa taping ng TV5 drama na Never Say Goodbye ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Kaya naman umugong ang balitang hindi tuluyang namatay ang character niyang si Marta. Sa nalalapit na pagtatapos ng programa, malalaman ng mga manonood kung ano nga ba ang nangyari sa kanya, pati na kung ano ang kahihinatnan ng iba pang tauhan sa kwento.
Matatagpuan ng tatlong lalaki sa buhay ni Marta—sina Javier (Cesar Montano), Dindo (Gardo Versoza) at William (Vin Abrenica)—ang bida na nagkaroon ng amnesia. Hindi man niya maalala ang kanyang anak at asawa, buhay pa rin sa kanyang alaala ang relasyon nila ni Javier. Masaya na sana ang lahat pero isang krimen ang magbabago sa buhay ng dating magkasintahan.
May isa na namang pagkakataong magka-happily ever after ang young couple na sina William at Kate (Sophie Albert) pero parang hindi pa rin maka-get over si Troy (Edgar Allan Guzman). Maging si Kate ay may pinagdadaanan din bilang hindi niya matanggap bilang ina si Greta Pendleton (Rita Avila). Nakita kasi first-hand ni Kate kung paano pinahirapan ni Greta ang adoptive mother nitong si Criselda (Alice Dixson).
Focused naman ang puganteng si Criselda na maka-isa kay Greta na gagawin pang pain si Kate, makuha lang ang atensyon ng karibal. Malapit na ring mapanood ang paghaharap ng dalawa kung saan matitira lang talaga ang mas matibay (at tunay na mataray) sa kanila.
Kaya tuloy ang pagtatapos ng Never Say Goodbye kahit na nakabalik na si Ate Guy.
Mapapanood ito sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 7:30 ng gabi pagkatapos ng Kidlat.