Inamin ni Anne Curtis sa isang panayam na niligawan daw siya ni Derek Ramsay noong kahihiwalay lamang ng aktres at dating kasintaÂhang si Oyo Boy Sotto.
“Hindi naging kami. When I was very, very young, nanligaw siya, a long, long time ago. That was forever ago. MTV VJ pa lang si Derek. Nagkabalikan kami ni Oyo noon,†nakangiting kuwento ni Anne.
“Break kami ni Oyo ’tapos nanligaw si Derek. Eh talagang love ko si Oyo Boy noong araw. So, siya ang naging boyfriend ko for one of the longest times. First love, I would say.â€
Samantala, naging kaibigan naman ni Anne si Derek lalo pa’t nagkatambal sila ng aktor sa pelikulang No Other Woman. Hinding-hindi makakalimutan ng aktres ang ginawa nilang maiinit na eksena ni Derek sa nasabing proyekto.
“I have to say that one of the yummiest (kisser) and also came out as yummy on screen was Derek kasi kapag pinapanood ko ’yun talagang, ‘Oh my gosh! Ginawa ko ba ‘yan?’ I think it was the yummiest kiss. I have to say,†paliwanag ni Anne.
Proud na proud din ang dalaga sa kanilang ginawang pelikula ni Derek dahil bukod sa magandang istorya nito ay kumita rin ito nang husto sa takilya.
“I believe it’s one of those films. Siyempre when you get to see international series parang wala lang pero if you see it in Filipino films now parang, ‘Uy! Wow!’ I was proud of myself somehow that I was able to take that step forward. Tama na ’yung pa-tweetums na role on TV kasi palagi na lang akong comedy, rom-com (romantic comedy),†pagtatapos ng aktres.
Sarah umaasa na sa totoong relasyon
Binigyan daw ng payo ni Sarah Geronimo si Angeline Quinto tungkol sa kanilang buhay pag-ibig. Halos pareho kasi ang karanasan ng dalawa pagdating sa career at love life.
“Nagkaroon na ako ng learnings na napagdaÂanan na natin bilang nauna tayo sa kanila. Ang maganda nagiging generous tayo sa suporta at pagbibigay ng advice,†bungad ni Sarah.
Ayon sa Pop Princess ay malapit niyang kaibigan si Angeline kaya nakapag-uusap ang dalawa tungkol sa kanilang love life.
“Yes, matagal na kaming magkaibigan. Hindi naman kami naging close before but we were both finalists sa Star for a Night. We were schoolmates noong elementary. Masaya ako na magkasama kami ngayon sa business na nandun ako. Sa ngaÂyon I lost contact with her. Kailangan naming mag-catch up,†giit pa ni Sarah.
Samantala, wala namang problema kung sakaling mayroong muling manligaw sa kanya.
“Wala naman po akong tinatanggihan na thought of being in love. ’Yung pagiging in love napakasarap na experience. It’s just that it’s not happening right now. Sana, I’m hoping, na when it happens it’s for real,†seryosong pahayag ni Sarah. Reports from JAMES C. CANTOS