Mother Lily nakikita si Grace na ’di magiging corrupt

Early bird ako sa presscon ni Grace Poe-Llamanzares noong Sabado sa Imperial Palace Suites dahil dito ako dumiretso pagkatapos ng Startalk.

Big presscon ang ginanap dahil pinabuksan ni Mother Lily Monteverde ang lahat ng function rooms.

Si Mother ang sponsor ng presscon para kay Mama Grace dahil suportado niya ang kandidatura sa senado ng anak nina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces aka Manang Inday.

Ang sabi ni Mother, si Grace ang isang senatorial candidate na siguradong susuportahan niya dahil tunay na anak ng pelikula ang dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair.

“Grace is practically a bona fide Regal baby. I treat her like a daughter because her parents, Fernando Poe, Jr. and Susan Roces, are very dear to me.

“Nakikita ko siya kapag bumibisita ako sa movie sets ng kanyang mga magulang. Nang ikasal sila ng kanyang unassuming husband na si Teodoro “Neil” Llamanzares, isa ako sa mga ninang.

“Whenever I see her at the MTRCB office, I used to tease her that she was very much qualified to run for public office. Nag-aral siya sa UP at Boston College. She’s brilliant, hardworking and, most importantly, honest, and incorruptible. We need more people like Grace in government.

“Para sa entertainment industry ang puso ni Grace. She grew up in showbusiness. She knows the industry inside and out because of her parents who were not just actors but producers, too.

“Katulad din si Grace ng kanyang mga magulang. Pareho sila ng dedication, passion, at integrity. She will fight for what is right. She will undoubtedly continue the mission of her late father. I am sure FPJ will be very proud of her. He is smiling up in heaven because Grace has turned out to be an amazing leader and champion of the masses,” pahayag ng veteran movie producer.

Lovi ayaw gamitin ni Grace

Sinagot nga pala ni Mama Grace ang intriga na hindi niya pinapayagan si Lovi Poe na i-campaign ang kanyang kandidatura.

Maganda ang paliwanag ni Mama Grace na nagiging maingat lang para hindi siya mapagbintangan na ginagamit niya si Lovi.

“Talagang hindi ko binalak na isama siya sa kampanya para hindi naman sabihin na ginagamit ko masyado ’di ba? Lalo’t bigla mong kasama palagi.
   “So, wala akong sinasabi pero na-touch ako dahil noong umpisa pa lang, sinabi niya na, ‘Ate Grace, I will support you.’ And hanggang Twitter lang kami nagsasagutan.

“Pero ang totoo, nagtatanong na siya noon pa. ‘I want to go around with you.’ Pero alam mo, sa bandang huli siguro. Sa totoo lang, hindi naman tayo basta-basta kumukuha ng mga kaibigan natin para mag-ikot dahil hindi katulad ng mom ko na nagpapalengke tour,” sabi ng candidate.

MTRCB todo ang suporta sa ex-boss

Dumalo sa presscon ni Mama Grace sina Col. Ariel Querubin, Manay Ichu Maceda, Bibeth Orteza at Tirso Cruz III na umalis agad dahil bumiyahe pa siya sa Batangas para sa campaign ni Governor Vilma Santos.

Kumpleto rin ang pamilya ni Mama Grace dahil present sa presscon ang kanyang asawa at tatlong anak.
   Ipinakita sa presscon ang bagong TV ad ni Mama Grace, kasama si Manang Inday, na nagkuwento na nangyari sa tunay na buhay ang eksena nila sa television commercial na hindi pa naipalalabas.
   In full force rin ang mga dating kasamahan ni Mama Grace sa MTRCB dahil suportado nila ang senatorial bid ng kanilang ex-bossing na malaki ang naitulong para lalong maging effective ang nasabing government agency.

Show comments