Regine madalas malat, malala ang acid reflux kaya pahinga muna sa showbiz

Nagpaalam na si Regine Velasquez sa Party Pilipinas kahapon para magpagamot. Aminado siyang may problema siya sa boses at kahapon nga ay malat na naman siya.

“Minsan kasi okey, minsan hindi, so, parang hindi comfortable. Mahirap namang kumanta ’pag may nararamdaman ka or may something,” sabi ni Regine kahapon after niyang bumirit sa programa kasama si Rachelle Ann Go at La Diva sa isang mini concert.

“Magpapahinga at magpapagamot lang ako,” dagdag niya kahapon sa Party P na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo, Rizal.

Nagkaroon din siya ng birthday celebration sa programa.

Nauna nang nabalita na isang buwan magpapahinga si Regine dahil bukod sa kanyang pamamalat, malala rin ang acid reflux niya na nagiging rason para umabot sa kanyang lalamunan ang sakit na parang pinupunit ’pag umaatake.

Pahabol niyang tweet after the show: “I will be resting for awhile, need to address my acid reflux and my throat syempre. Thank you guys again for your support see u soon.”

Malamang na sa abroad na si Regine magpagamot.

Kararating lang ni Ogie Alcasid ng bansa da­hil pagkatapos nitong dalawin ang mga anak sa unang asawang si Michelle Van Eimereen ay dumiretso ito sa New Zealand kasama ang manager para sa isang concert doon.

Maaalalang sa kanyang concert last year unang nagkaproblema sa boses ang Asia’s Songbird.

Sure na maraming makaka-miss kay Regine sa Party Pilipinas.

Angeline hindi tipo nina Piolo, Erik, at Jed?

Nakapatong sa legs ni Angeline Quinto ang braso ni Piolo Pascual nang mag-intro sila kina Ge­rald Anderson, Erich Gonzales, and Enchong Dee sa isang production number kahapon sa ASAP18.

Noong minsan naman, si Erik Santos ang ka­yakap ni Angeline.

Inili-link din ang singer kay Jed Madela.

Bongga ’di ba? In demand ang beauty ni Angeline. ’Yun nga lang parang hindi naman siya type ligawan nina Piolo, Erik, at Jed.

Kim seksi-seksihan na

Seksi-seksihan na rin si Kim Chiu. Kahapon para sa kanyang production number for her birthday sa ASAP, medyo daring na siya. Pero parang di­sente ang pagpapa-sexy niya. Hindi rin pilit.

Meron ilan sa nasabing programa na pilit na pilit sa pagpapa-sexy.

At saka emotional nga pala si Kim kahapon. Umiyak-iyak siya. Dahil kaya nakikita niya sa show sina Gerald Anderson at Maja Salvador at hindi siya binati ng HB?

Geoff patuloy ang paglaki ng katawan, Carla dapat ma-bother

Dapat ma-bother si Carla Abellana para sa kanyang karelasyong si Geoff Eigenmann kung saan magkasama sila sa Party P. Patuloy ang paglaki ng katawan ng actor-TV host.

Nawala na ang cuteness niya dahil nga tumaba na siya ng husto.

Eh si Carla pa naman ang liit ng katawan, ang sexy. So, siguro dapat makipagsabayan si Geoff sa diet at exercise ni Carla.

Show comments