MANILA, Philippines - Nagkamit ng dalawang nominasyon mula sa 2013 NAMIC Vision Awards ang GMA International ang business unit na siyang namamahala sa mga internaÂtioÂnal channels ng GMA na GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International kasama ang ilan sa mga pinaka-malalaking pangalan sa industriya ng telebisyon sa US.
Ang programang Pusong Pinoy sa Amerika (Into the Hearts of Filipinos in Amerika) na napapanood sa GMA Pinoy TV ay nominado sa Foreign Language CateÂgory. Samatalang ang Kusina Master naman na napapanood worldwide sa GMA Life TV ay kabilang sa hanay ng mga nominado sa Lifestyle category.
Ang Pusong Pinoy Sa Amerika ng immigration lawyer na si Atty. Lou Tancinco ay kasalukuyang nasa ika-8 season na sa pagbibigay kaalaman sa Filipino-American community tungkol sa immigration law. Ilan sa mga paksang tinatalakay sa programa ang mga kuwento at issues na may kinalaman sa mga bagong immigration policy.
Mabilis namang kinagiliwan ng mga Kapuso viewers abroad ang 30-minute cooking show na Kusina Master. Marami ang humahanga sa galing sa pagluluto ni Chef Boy Logro at nag-aabang sa kanyang mga putaheng Pinoy na Pinoy.
“We welcome these nominations from NAMIC and are grateful for their continuous appreciation for our progÂrams,†wika ni GMA Vice President and Head of International Operations Joseph T. Francia.
Ito ang ikalawang pagkakataon na kinilala ng NAMIC Vision Awards ang GMA International. Ang unang pagkakataon ay noong 2007 para sa Review Philippines ng batikang broadcaster na si Mike Enriquez.
Ang NAMIC Vision Awards ay isa sa iilang national competitions na kumikilala sa original television o digital content na sumasalamin sa kontribusyon ng iba’t ibang lahi. Ito ay tinaguyod noong 1994 ng NAMIC Sourthern California at kaisa nito ang NAMIC-Sourthern California ngayong taon.
Ang announcement ng mga nominado ay ginanap noong April 17 sa New Bay Media’s Multiethnic TV Summit and Leadership Awards sa Hilton New York, habang pararangalan naman ang mga magwawagi ngayong Mayo sa Los Angeles, California.