Ikinagulat ni Anne Curtis ang balitang kino-consider siyang maging isa sa cast members ng American TV series na Hannibal ng producer nitong si Bryan Fuller. Sa ngayon ay napapanood ang nasabing proyekto sa NBC (cable).
“It was a pleasant surprise. PR Asia was the one who tweeted and suggested. Nung sumagot si Mr. Bryan, ‘Oh I’d really love to. Anne is amazing.’ Halos mahimatay talaga ako sa event. I think it’s really flattering to hear such kind words. Nakakatuwa, nakakakilig! But I have to audition for it, but I think we all know that when it comes to cameos like that you have to take time to audition and travel there,†nakangiting kuwento ni Anne.
Gusto man ng dalaga ang mapasama sa international show ay mayroon namang ilang mga balakid kaya hindi pa ito posibleng matuloy sa ngayon.
“Unfortunately, ’yung commitment ko sa Showtime, hindi pa puwede. Hindi pa siguro right timing. That’s a giant leap to leave what I have here to audition there. Hindi pa ako handa. MasÂyado ko pang ine-enjoy ’yung Showtime. It took me on my 16th year in showbiz to get where I am. So, ’di ko hahayaan na i-risk na mawala pa kung na saan ako ngayon. Eventually, yes, pangarap ko ’yun pero masyado kong mahal ang Showtime,†paliwanag ng dalaga.
Ser Chief itinangging napapabayaan na ang pamilya
May mga balitang naglabasan na napababaÂyaan na ni Richard Yap o mas kilala ngayong si Ser Chief sa teleserÂyeng Be Careful With My Heart ang kanyang pamilya. Hindi na raw kasi natututukan ng aktor ang kanyang pamilya mula nang pasukin nito ang showbusiness. Agad namang nilinaw ni Richard ang nasabing isyu.
“We’ve grown closer together because of the business kasi lagi na lang kami ang magkasama kasi before, like when I was still working, I have time to work out pa na mag-gym ako or go billiards with my friends. Ngayon wala na talagang oras, trabaho-bahay, trabaho-bahay. Kaya we have grown closer together which is good for us,†paliwanag ni Richard.
Walang personal assistant si Ser Chief kaya halos araw-araw ding kasama ng aktor ang asawang si Melody sa trabaho.
“Hindi naman lahat. Minsan kasi on the set hindi na siya masyadong sumasama kasi she has to take care of the kids also. She takes care of me. She prepares my things especially kapag out of town kami ’tapos kapag walang stylist, walang makeup artist, siya na ang gumagawa sa akin nun,†dagdag pa ng aktor.
Samantala, 16 years old na ngayon ang panganay na anak ni Richard at 10 years old naman ang bunsong si Dylan. Wala raw problema kung sakaling pasukin man ng kanyang mga anak ang pag-aartista basta magtapos muna sila ng pag-aaral.
Reports from JAMES C. CANTOS