Solusyon para maganda sa tag-araw ibubuko sa Salamat Dok

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo sa Salamat Dok, ibabahagi ni Dr. Vicki Belo ang tatlong sikreto ng pagpapaganda ngayong summer.

Isa na ang tamang pagbibilad ng katawan sa init ng araw. Pero hindi dapat makita ang maitim na kili-kili ’di ba?

Kaya panoorin ang isa sa pinaka-dinarayong serbisyo na Laser Whitening Treatment ng Belo Medical Group. Nakatutok ito sa pagpapaputi ng balat sa problem area.

Kung ang susunod na problema ay pigmentation, sagot ang RevLite. Ito ang pinipiling procedure para mabura ang freckles, melasma, post-inflammatory hyperpigmentation, at kahit ang pagtanggal sa ayaw na tattoo.

Ang Brazilian model and TV host na si Daiana Menezes ang makakasama ni Dr. Belo para sa isang live demonstration ng RevLite para sa tattoo removal.

At may bonus pa, may solusyon din ang doktora para sa mga maninipis na ang buhok: Meso Hair therapy. Nilalabanan nito ang hair loss sa pamamagitan ng paglalagay ng vitamins at amino acids sa hair follicles para ma-stimulate ang blood flow hanggang sa tubuan ng buhok.

Kaya wala ng dahilan para magtago ngayong tag-araw dahil may sagot ang Salamat Dok sa ABS-CBN, Linggo, 7:30 a.m.

Must-see finale ng kailangan ko’y ikaw,masasaksihan ngayong gabi

Lalong tumitindi ang tensiyon sa pagitan ng mga karakter sa Primetime Bida action-drama series ng ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw ngayong unti-unti nang natutuklasan ni Bogs (Robin Padilla) ang pagkakasangkot ng pamilya ni Roxanne (Kris Aquino) sa iba’t ibang krimen.

Makakamit na nga ba ni Bogs ang inaasam na hustisya para sa kanyang ama?

Kaya nga bang isuko ni Ruth (Anne Curtis) si Red (Ian Veneracion) sa mga awtoridad ngayong alam na niya na ito ang tunay niyang tatay? May kinakailangan pa nga bang magsakripisyo ng buhay para sa katahimikan ng pamilya nina Bogs, Ruth, at Roxanne?

Huwang palampasin must-see finale ng Kailangan Ko’y Ikaw,ngayong Biyernes (Abril 19) ng gabi, pagkatapos ng Apoy sa Dagat, sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

Dapat Tama Voter Education Ads ng GMA Network sisimulan na

Tunghayan ang isa pang mukha ng pulitika sa bansa—ang katiwalian, cronyism, vote-buying, at voter manipulation­­—na tatalakayin sa four-part Dapat Tama Voter Education Ads hatid ng GMA News & Public Affairs group. Pinamagatang Dapat Tama Election Vignettes, mapapanood ito simula ngayong gabi, Abril 19. 

Sa unang bahagi ng four-part fictional vignettes, kilalanin si Dave na sa ‘di-inaasahang pagkakataon ay malalagay sa panganib matapos bumigay ang Amatapad Bridge at mahulog mula rito ang sinasakyan niyang bus. Kasama niya sa loob ng bus ang mga flying voter na papunta sana sa polling precinct upang bumoto. Si Dave ang siyang namumuno sa grupo, sa ngalan ng kanyang padrino na si Geroncio Pastrana, ang tiwaling alkalde ng kanilang bayan.

Tampok din sa Dapat Tama Election Vignettes ang mga under-the-table na pakikipagkasundo at theatrical gimmickry ni Mayor Pastrana. Ipakikita rin dito ang pagiging desperado ng ilang mga naghihirap na nagbebenta ng mga boto nang hindi iniisip ang posibleng kahihinatnan ng kanilang hakbang.

Mula sa direksyon at sinematograpiya ni King Baco, na siya ring nasa likod ng hinahangaang docu-dramas ng GMA News TV na Pluma at Pedro Calungsod, binuo ang series gamit ang high-definition video at computer-generated images.

Mapapanood ang Dapat Tama Election Vignettes sa GMA-7 at GMA News TV Channel 11 simula ngayong gabi, April 19, na tatakbo naman hanggang sa paparating na eleksyon.

Show comments