Si Camille Prats naman, sa halip na payapain ang kalooban ng nakatatandang kapatid na si John Prats at himukin na lang na patawarin nito ang nanuntok sa kanyang si Jason Franciso ay sinasabihan pa ang kapatid na ituloy nito ang demanda laban kay Jason.
Sana huwag na. Tutal nakalipas na ’yun at pareho naman silang lalaki. Pumayapa na ang mga nag-iinit na damdamin. Nakahingi na rin ng tawad si Jason kay John.
Pero kung gustong sundin ni John si Camille, bahala sila. Ako naman ay kung puwedeng madaan sa mabuting usapan bakit ang hindi? Pero kung inaakala ni John na naagrabiyado siya eh ’di bahala na siya. Gawin niya ang nararapat.
Jomari hitsurang dumaan sa stem cell
Suwerte rin ni Jomari Yllana. Napapanood siya sa shows ng Kapatid at Kapamilya. Hindi naman magkatapat ang dalawang palabas niya.
Nagpa-stem cell ba si Jom? Bakit mukha siyang bagets?
Kung sabagay, obligasyon ng artista ang maging maganda sa tingin ng kanilang publiko. Kung si Jom at Sen. Bong Revilla, Jr. ay nagagawa ito, bakit hindi ang maraming tulad nilang artista rin?
Maraming artista kailangang ayusin ang kanilang bayarin sa tax
Bilib naman ako sa lakas kumita ng mga kapwa ko artista. Biruin n’yo, milÂyun-milyon na at hindi basta libo lang ang kinikita nila. Kaya naman marami sa kanila ang hinahabol ng ating tax agency.
Pero kung marami man ang hinahabol ay marami rin ang kusa nang nagbabayad ng kaukulang buwis para sa malaki nilang kita. Tulad nina Kris Aquino, Vic Sotto, Piolo Pascual, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Willie Revillame, Sharon Cuneta, Ryan Agoncillo, John Lloyd Cruz, at marami pang iba. Kaya walang problema pa ang mga nabanggit dahil maayos ang ginawa nilang pagbabayad ng buwis.
Kaya payo ko sa marami pang kumikita ng malaki, kumuha ng mapagkakatiwalaang tao na makapag-aayos ng mga problema n’yo sa buwis.