^

PSN Showbiz

Mader Ricky isinantabi ang magarbong party, mga maysakit na bata ang kapiling sa kanyang birthday

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa katayuan sa buhay at katanyagan ni Mader Ricky Reyes ay dapat marangya o magarbo ang selebrasyon pagsapit ng kanyang kaarawan.  Pero hindi ito ang ninais ng byuti guru.

Abril 12 ang birthday ni Mader at nung Abril 10 ay nakapiling siya ng mga batang maysakit na nakatira sa Childhaus na halfway house  na donasyon ng mabait na negosyanteng si Henry Sy at anak na si Hans Sy sa Matimtiman Street, Diliman, Quezon City.

Nung Abril 14 nama’y pinasiyahan ang bagong Henry Sy Wing ng Philippine General Hospital (PGH) Cancer Ward for children. Sampung kuwarto sa ikalawang palapag ng Cancer Society ang ipinaayos ng mga Sy at ang turn over kay PGH Director Dr. Joey Ignacio ay itinapat sa pagsasalu-salo para sa kaarawan ng founder ng Munting Paraiso na dinaluhan ng mga kaibigan ni Mader at ang nagbigay ng musical numbers ay sina Rita de Guzman ng GMA -7 at Myrus ng ABS-CBN. Dumalo rin si former Ilocos Gob. Chavit Singson at nagbigay ng one million pesos sa Ricky Reyes Foundation.

Sa Sabado’y mapapanood sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh ng GMA News TV at prodyus ng ScriptoVision alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga ang dalawang nabanggit na pagdiriwang. Pati na ang asalto ng mga tauhan ng Ricky Reyes Group of Companies sa 2R Building sa San Juan City nung Abril 11 na  dinaluhan ni Ms. Pilita Corrales at ng mga impersonators na Raging Divas ay mapapanood.

ABRIL

CANCER SOCIETY

CANCER WARD

CHAVIT SINGSON

DR. JOEY IGNACIO

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

HANS SY

HENRY SY

HENRY SY WING

ILOCOS GOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with