MANILA, Philippines - Gaganapin ngayong Linggo, April 21, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City ang 61st Annual FAMAS Awards Night.
Ang event ay pangungunahan ng FAMAS President na si Angelo Eloy Padua.
Pagpipilian sa Best Picture category ang : A SecÂret Affair, El Presidente, Migrante, One More Try at The Mistress.
Bibigyang parangal din sa Linggo sina Atty. PerÂsida Rueda Acosta for Extraordinary Public Service, Dean Amado Domingo Valdez, Exemplary Awardee for Legal Service; Gov. ER Ejercito, FPJ Memorial Awardee; Pastor Apollo Quiboloy, Champion of Environment Awardee; Cristy Fermin, Arturo M. Padua Memorial Awardee; Nora Aunor, Presidential Awardee for Cinematic Excellence; Butch Francisco, Dr. Jose Perez Memorial Awardee at Dr. Ricardo B. Pascasio Jr., Champion of Humanitarian Service at si Kuya Germs Moreno para sa kanyang ika-50 taon sa showbiz, Dr. Victor Endriga, Exemplary Awardee for Public Service at Alfred Vargas, Awardee for Excellence in Local Governance.
Ang palabas ay pamamahalaan ni Al Quinn at magiging host sina Richard Gomez and Pops Fernandez. Ito ay mapapanood sa GMA 7 sa April 28.
Bonakid Pre-School Ready Set Laban magsisimula na ngayong Sabado sa GMA
Ngayong Sabado (Abril 20), mapapanood na ang pinakabagong action-packed kiddie game show, ang Bonakid Pre-School Ready Set Laban, na pangungunahan ng singer-songwriter celebrity dad host na si Ogie Alcasid.
Inihahandog ng GMA Network at Bonakid Pre-School, ang Ready Set Laban ay ang game show kung saan magkasamang maglalaro at haharap sa mga challenges ang mga moms and kids bawat linggo para sa pagkakataong manalo ng mahigit 1 million pesos in prizes.
Para sa pilot episode, sisipa na ang Team Active na pangungunahan ng Eat Bulaga host na si Julia Clarete kasama ang kanyang anak na si Beans at ang Team Alert sa pangunguna ng former beauty queen na si Carlene Aguilar at ng kanyang anak na si Calix.
Tibay, lakas, at determinasyon ang paniguradong masusubukan sa kanilang pagharap sa qualifying game na Stack Alert, isang relay kung saan ang mga mom and kid teams ay kailangang maglipat ng mga blocks mula sa starting point hanggang sa finish line. Ang team na mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong subukan ang main challenge na Triple Boost Maze.
Hanggang 150,000 pesos ang ipamimigay bawat linggo kaya naman hindi dapat palampasin ang mga maaÂakÂsiyong eksena sa giant game arena sa pagsisimula ng Bonakid Pre-School Ready Set Laban ngaÂyong Sabado bago mag-Eat Bulaga sa GMA7.