First day last day kahit namigay na ng passes, pelikula ni Mayor Lim nilangaw sa takilya

SEEN: Ang request na huwag tanungin si Raymart Santiago tungkol sa mga personal na isyu sa presscon ng Home Sweet Home ng GMA 7 noong Martes.

Maingay ang balita na may hidwaan uli ang asawa ni Raymart na si Claudine Barretto at ang mga kapatid nito na sina Gretchen at Marjorie.

SCENE: Nanay ni Jake Vargas si Roxanne Guinoo sa Home Sweet Home. Twenty one-years old si Jake at 27-years old si Roxanne.

SEEN:  Hindi pa pinapalitan ni Jaypee Santos ang profile niya sa Twitter. Si Jaypee ang ex-boyfriend ni 2012 Miss Universe 1st runner up Janine Tugonon na binabatikos ngayon dahil  sa pakikipaghiwalay sa kanyang karelasyon dahil sa bokalista ng bandang The Script.

SCENE: Sina Shaina Magdayao, Lara Quigaman, Martin del Rosario, at Diana Zubiri ang mga bagong karakter na papasok sa Juan dela Cruz ng ABS-CBN.

SEEN: Ang mainit na pagtanggap kay Alex Gonzaga sa pagbabalik nito sa ABS-CBN. Ang mga top exe­cutive ng ABS-CBN, sa pangunguna ni Charo Santos-Concio, ang present sa contract signing ni Alex.

SCENE:  Init na init ang mga artista ng Indio sa kanilang mga vintage costume dahil tumapat sa summer season ang taping nila.

SEEN: Ang mga pulitiko na nagpaparamdam kay Mother Lily Monteverde na hinihingi ang suporta nito sa kanilang candidacy.

SCENE: Ang pahayag ni ex-President Joseph Estrada tungkol sa mga ipinamigay na movie passes para panoorin ang filmbio ni Manila City Mayor Alfredo Lim ngunit wala pa ring nanood ng pelikula.

Show comments