Zamboanga Kingpin nasa KampanyaSerye

MANILA, Philippines - Kilalanin ang tinaguriang Zamboanga Kingpin na si Ro­meo “Nonong” Jalosjos at kung gaano kaimpluwensiya ang kanyang pamilya pagdating sa pulitika sa buong Zam­boanga peninsula ngayong linggo sa panibagong KampanyaSerye na handog ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Binuksan ni Romeo ang pintuan sa pulitika para sa kanyang pamilya nang siya ay mahalal na kinatawan ng unang distrito ng Zamboanga del Sur noong 1995. Dito pa lang ay sinusuportahan na siya at ang kanyang kaanak ng mga taga-Zamboanga kaya naman kahit napiit ito noong 2007 sa kasong statutory rape, nanalo pa rin si Romeo sa pagka-congressman. Sa darating na halalan, tatakbo ang kanyang mga kapamilya sa pagka-mayor, gobernador, at kongresista ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at maging Zamboanga Sibugay. Kaya naman ganoon na lang kung akusahan ang mga Jalosjos ng kalaban nito sa pulitika ng diumano’y pagtatayo ng political dynasty.

Inakusahan din ng mga ito ang mga Jalosjos ng paggamit ng dahas na mapanatili lang ang kapangyarihan sa lugar. Ano ang buwelta ng mga Jalosjos sa akusasyong ito?

Ang KampanyaSerye ay bahagi ng ABS-CBN Halalan 2013 na naglalayong mapalawak ang ka­a­laman ng mga mamamayan bago bumoto.

Show comments