Aber tingnan nga natin kung mas mahilab sa mga napanood na nating singing contests ang sisimulan ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines.
Ngayon pa lamang ay nagpapasiklab na si Lea Salonga na tatayong isa sa mga coaches na ang boses ang bibigyan nila ng importansiya. Kailangan ng malawakang audition para ang mga makuha nilang kalahok ay talagang mga baguhan pa at hindi mga talunan sa maraming paligsahan na sinalihan na nila.
Pagkanta ng pamilya Aunor, itutuloy ni Marion
Aba, masaya itong si Maribel Aunor. Dala-dalawang anak niya ang marunong mag-compose ng mga kanta. ‘Yung nakatatanda nga ay nanalo pa sa Himig Handog. Marion Aunor ang pangalan nitÂÂÂloÂgy sa De La Salle. Maganda ang komposisyon nitong If You Ever Change Your Mind na kasama sa ilalabas nitong debut album na pawang composition niya ang laman.
Congratulations Lala for having such a talented daughter. Hindi naman talaga magbubunga ng atis ang punong mansanas. Taglay ng anak mo ang talent na nagpakilala sa lahat sa pamilya Aunor, magmula iyong inang si Mamay Belen na siyang nagtaguyod sa pinsan mong si Nora Aunor hanggang ngayon sa mga anak mo. Harinawang masundan nila ang bakas ng Superstar na sa pagkanta rin nagsimula.
Lovi hindi kayang umalis sa GMA
Parang ayaw namang lumipat ni Lovi Poe at ang manager lamang niya ang may gusto. Sana naman igalang ng manager kung anumang kagustuhan meron siya na may kinalaman sa kanyang karera. After all siya ang makikisama. Kung ‘di nito feel na lumipat, huwag pilitan.
It’s not just the TF, kailangan kumportable rin ito sa paglilipatan niya dahil kung hindi baka hindi ito maging kasing effective at kasing productive na tulad ng nangyayari sa GMA 7.