Pelikula nina Sarah at John Lloyd pinipilahan hanggang Amerika

MANILA, Philippines - Pinipilahan hanggang Amerika ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na It Takes a Man and a Woman.

At hindi na lang daw mga Pinoy ang pumipila para panoorin ito, maging ang mga Amerikano ay nakikipila na rin ayon sa mga naglalabasang kuwento ng mga fans ni Sarah doon.

May mga pictures pa silang ipinakikita ng pila sa mga sinehan sa Amerika.

At tulad nang dami ng tao sa mga sinehan, nag-uumapaw din ang kaligayahan ng box-office royalties na sina Sarah at John Lloyd  sa matinding suporta ng sambayanan sa hit romantic-comedy film nila  na ayon sa report na nakarating kahapon ay P334,659,659.30 na ang kinikita sa mahigit dalawang linggong pagpapalabas nito. Kita lang daw ang nasabing halaga sa Metro Manila at sa probinsiya, wala pa yung kasalukuyang kinikita sa iba’t ibang bansa.

Eh ang sabi ni Mr. Vic del Rosario, sa loob lang ng tatlong araw na palabas ito sa Amerika, umabot ang kita ng pelikula sa $750,000 (31,042,499.25. sa peso). Eh more than a week na raw itong palabas doon kaya mas malaki pa ang kinikita ngayon kaya may posibilidad na malalampasan nito ang pelikulang Sisterakas.

Ito na ang ikatlong pelikulang Pilipino na umabot ng mahigit P300 milyon pagkatapos ng Sisterakas at The Unkabogable Praybeyt Benjamin na parehong kabilang sa listahan ng highest-grossing Filipino films of all time.

Ayon kay Sarah, kapwa sila nagpapasalamat ni John Lloyd sa lahat ng mga nagmamahal sa love story nina Laida (Sarah) at Miggy (John Lloyd). “Overflowing ‘yung suportang binigay ng tao sa amin,” pahayag ni Sarah. “Actually, ‘yung umabot kami ng P100 million in less than a week ay sobra-sobra na. Tapos ngayon, na-reach na ng movie ‘yung P300 million mark. Wow! Maraming-maraming sala­mat po talaga.”

At hindi raw malayong maabot ang P400 million na kita.

 Graded ‘A’ ng Cinema Evaluation Board (CEB), ang  It Takes a Man and a Woman ay certified box-office hit na mula sa unang araw nito noong March 30 kung saan tumabo ito ng ₱32.6 million.

Higit pang napatunayan ang lakas ng ‘Laida-Miggy magic’ nang kumita ang pelikulang idinerek ni Cathy Garcia-Molina ng P100 million sa ikaapat na araw pa lamang nito at humataw ng P200 million sa loob lamang ng walong araw.

Ang unang Laida-Miggy film na A Very Special Love ay kumita ng P179.3 milyon noong 2008. Samantala, ang sequel nitong You Changed My Life ay humataw ng P225.2 milyon noong 2009.

Co-produced ng Star Cinema at Viva Films at sa ilalim ng panulat ni Carmi Raymundo, tampok rin sa It Takes A Man And A Woman sina Joross Gamboa, Gio Alvarez, Matet De Leon, Al Tantay, Irma Adlawan, Guji Lorenzana, Rowell Santiago, at Dante Rivero. Introducing sa pelikula ang model-host na si Isabelle Daza. 

Janine matagal nang may problema sa boyfriend

Pinagpiyestahan kahapon sa Twitter si Janine Tugonon matapos nilang aminin ng boyfriend na si Jaypee Santos sa Kris TV na split na sila.

Naaliw ang marami dahil marami ring fans ang The Script na nagpasikat ng mga kantang Breakeven, The Man Who Can’t Be Moved, For the First Time, Nothing at marami pang iba dahil sabit ang bokalista ng nasabing banda. Last March 31, nag-concert sa Araneta ang The Script.

May mga nag-nega at marami rin namang natuwa.

Pero bago ang nasabing interview nila kay Kris, nauna nang sinabi ni Janine sa Headstart na host si Karen Davila na may problema sila ng karelasyon.

Sinabi na ni Janine na nagseselos ito.

 â€œHe works at night, so I’m not there. But we make time…Sometimes, he goes with me if we have events,” sabi niya sa interview ng Headstart.

Sinabi na rin niya na open siya sa idea na puwede siyang makakilala ng iba kahit karelasyon si Santos na isang engineer.

Kung sabagay from the start naman ay maraming nag-predict na hindi sila magtatagal dahil hindi raw sila bagay.

 

Show comments