Inang hinagis ang anak sa bintana para iligtas sa sunog, tampok sa Saklolo
MANILA, Philippines - Isasalaysay nina Maan Macapagal at Dominic Almelor ang pagkakaligtas ng isang ina sa kanyang sanggol na anak mula sa sunog sa pamamagitan ng paghahagis nito sa bintana ngayong Miyerkules (Abril 17) sa Pinoy True Stories: Saklolo.
Nakulong si Jobell at ang kanyang anak na si baby Pauleen sa kuwarto habang unti-unting nilalamon ng sunog ang kanilang bahay, kaya naman humingi na siya ng saklolo sa mga kapitbahay na nasa ibaba. At kahit delikado man, hindi nagdalawang isip si Jobell na ihagis ang baby sa bintana mailigtas lang ito. Suwerte’t nasalo ng kapitbahay niya ang bata.
Nagtamo ng third-degree burns si Jobell at kinailangan niyang sumailalim ng skin grafting surgery. Dahil humanga ang isa sa mga doktor sa pagligtas ni Jobell sa anak, sinagot na ng ospital at ng Pamahalaan ng Maynila ang kanyang operasyon.
Samantala, susundan naman ni Karen Davila ang maÂdamÂdaming paghaharap ng isang lola at ng pamilya ng nobyo ng kanyang apong si Alice ngayong (Abril 16) sa Pinoy True Stories: Engkwentro. Naglayas si Alice upang sumama sa kanyang nobyo at nang nakauwi ito ay inaming posible siyang buntis mula sa pakikipagtalik sa nobyo.
Tutukan ang Engkwentro ngayon (Abril 16) at ang Saklolo ngayong Miyerkules (Abril 17), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Subaybayan din ang ibang mga bagong Pinoy True Stories hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng Bistado ni Julius Babao tuwing Lunes, DemandaÂhan ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at Hiwaga ni Atom Araullo tuwing Biyernes.
- Latest