Nagtakwil na magulang kay Donaire, ayaw magkomento sa pagkatalo ng anak; Venus Raj mali-mali sa pagho-host sa Bb. Pilipinas; Serye nina Kris, Anne, at Robin, ta

SEEN: Off sync ang first part ng delayed telecast ng ABS-CBN sa Bb. Pilipinas Gold noong Linggo dahil iba ang buka ng bibig ni Martin Nievera sa napanood sa television screen.

SCENE: Wala sina Charlene Gonzales, Ruffa Gutierrez, at Margie Moran sa coronation night ng Bb. Pilipinas Gold.

Former beauty queens ang tatlo.

SEEN: Maraming mali si Venus Raj bilang co-anchor ni Shamcey Supsup sa Bb. Pilipinas Gold.

SCENE: Hindi candidate-friendly ang stage ng Bb. Pilipinas Gold dahil nilagyan ito ng maraming steps kaya muntik-muntikan nang madulas at mabuwal sa pagrampa ang mga contestant.

SEEN: Si Alice Dixson sa coronation night ng Bb. Pilipinas Gold. Mas maganda at mas matangos ngayon ang ilong ni Alice kesa nang sumali siya noong 1986.

Si Alice ang official representative ng Pilipinas sa Miss International sa Nagasaki, Japan noong 1986.

SCENE: Ang haircutter na si Pin Antonio ang napili ni Lorna Tolentino na gumupit sa kanyang buhok.

Magpapagupit ngayon si Lorna para sa role niya bilang Editha Burgos sa pelikulang Burgos.

SEEN: Magwawakas sa Biyernes ang Kailangan Ko’y Ikaw ng ABS-CBN.

Tumagal lamang ng tatlong buwan sa telebisyon ang teleserye nina Kris Aquino, Robin Padilla, at Anne Curtis.

SCENE: No comment ang mga magulang ni Nonito Donaire, Jr. sa pagkatalo ng kanilang anak sa huling boxing fight nito sa New York noong Sabado.

Matagal nang itinakwil si Nonito, Jr. ng kanyang mga magulang.

Show comments