MANILA, Philippines - Grabe sobrang laki pala talaga ng kita ni Kris Aquino.
Tinalbugan lang naman niya ang mga Pinoy billionaires sa laki nang binayaran niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) base sa inilabas na listahan ng mga Top 500 taxpayers ng 2011 nang nasabing ahensiya ng pamahalaan.
Ito ay matapos siyang magbayad ng tumataginting na P49,871,657.37 o halos P50 million.
Heto ang top 10 taxpayers ng BIR:
1. Kris Aquino (media) - P49,871,657.37
2. Gregory Reichow (Tesla Motors executive) - P38,196,685.00
3. Lauro Baja, Jr. (senior diplomat) - P34,257,368.88
4. Manuel V. Pangilinan (mining and telecommunications businessman) - P25,992,131.86
5. Aurelio Montinola III (Bank of the Philippine Islands president) - P24,472,645.10
6. Gerardo Ablaza, Jr. (Manila Water, Co. chief) - P22,645,262.00
7. Philippe Jones Lhuillier (Cebuana Lhuillier pawnshop chain chief) - P21,645,000.00
8. Victor Manguerra Angeles - P21,202,815.34
9. Roberto Panlilio (Investment banking company JP Morgan executive) - P19,613,943.97
10. Felipe Gozon (GMA Network chief) - P19,587,983.60
In fairness, maging si Mr. Henry Sy. Sr, ng SM Group at idineklarang pinakamayaman sa bansa ng isang magazine ay malaki ang agwat sa ibinayad ng kapatid ng presidente ng bansa. Nasa no. 15 si Mr. Sy at nagbayad ng P16,582,952.00. Nasa no. 19 naman si Vic Sotto (TV host, actor) - P14,728,940.14 
at no. 20 si Mr. Ray Espinosa (Mediaquest) - P14,483,402.44.
Maging ang ibang billionaires ng bansa ay malayo rin daw ang ranking.
Kasama naman sa iba pang mga artistang nasa top 500 taxÂpayers sina
Derek Ramsay (No. 120) na may income tax na P7,076,553.71, Piolo Pascual (No. 123) na nagbaÂyad ng P6,981,393.47; Kim Chiu (No. 133) sa binayarang P6,711,100.76 income tax.
No. 158 si Manny Pacquiao na may
P6,106,040.96 na bayad, habang nasa No. 178 si Michael V na may buwis na P5,901,711.79.
Bumaba sa no. 181 si Willie Revillame na may P5,852,304.08 na binayarang buwis.
No. 184 si Ogie Alcasid - P5,806,981.48, No. 191 si Sharon Cuneta na may income tax na P5,741,064.46; No. 194 si Ryan Agoncillo (P5,598,648.01) at No. 205 si John Lloyd Cruz na nagbayad ng P5,407,268.27 sa BIR.
Kung sila ay kasama sa mga taxpayers, may ilan namang mga artistang nagkaka-problema sa kanilang pagbabayad ng buwis.
Anyway, sa rami nga naman ng pera ni Kris, puwedeng-puwede na nga naman siyang mag-retiro sa showbiz, mamuhay ng tahimik kasama ang mga anak at mag-aral ng abogasya.
Aktres naagapan ang problema sa BIR, pinabayaran agad sa asawang madatung
Speaking of problema sa buwis, isang veteran actress din daw ang nagkaproblema sa BIR kamakailan. Pero naagapan umano ito at nasingil agad ng local office ng BIR kaya hindi na ito nakarating sa head office ng BIR.
Pero wala raw agad naibayad ang actress sa kanyang sabit sa BIR kaya ang asawa pa nitong madatung ang nagbayad.
Pero idini-deny pa raw ng actress na sa BIR niya ibinayad ang pera.
Pamilya ni Maja binabalewala ni gerald?
Hindi raw gaanong pabor ang pamilya ni Maja Salvador kay Gerald Anderson. Ayon sa isang nagbulong hindi raw kasi gaanong nag-e-effort si Gerald sa pamilya ni Maja.
Ang mga kaibigan lang daw ang madalas na kasama ni Maja at Gerald na parehong ayaw umamin na may relasyon na. Maraming fans din ang kontra sa relasyon ng dalawa.
Hindi na lihim ang pinaggagawa nila. Madalas silang mag-out of town kasama si Rayver Cruz na bestfriend ni Gerald.