Alam mo, Salve A., gusto naming pasalaÂmaÂtan ang ina at singer-actress na si Karla Estrada at ang Star Magic at handler ng teen heartthrob na si Daniel Padilla who made it possible for us na maÂimÂbitahan ang ka-MU o mutual understanding ni KatÂryn Bernardo sa Celebrity Talk segment namin ni German “Kuya Germs†Moreno sa long-running late-night show ng Master Showman, ang Walang Tulugan with Master Showman kamakailan lamang.
Pinagkaguluhan ng husÂto ng fans sa loob ng StuÂdio 6 ng GMA 7 kung saan ginaganap ang taÂping ng programa. Bukod sa mga tagahanga, maÂging ang mga empleyado ng Kapuso Network ay nakigulo rin nang malaman nilang darating si DJ (palayaw ni Daniel).
At the basement parÂking ng GMA-Annex Bldg. ay aksidenteng nagkita ang magpinsang Daniel at Kylie Padilla na nagkagulatan. Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Daniel sa kanyang Ate Kylie na anak ng kanyang Tito Robin Padilla. Ang aktor na si Rommel Padilla na kuya ni Robin ang ama ni Daniel.
Naging posible ang guesting ni Daniel sa Walang Tulugan kahit isa siyang certified Kapamilya star dahil inaanak ang popular actor ni Kuya Germs at sa That’s Entertainment naman nagsimula ang kanyang inang si Karla na anak-anakan din namin.
Samantala, ipinagtanggol ni Daniel ang kanyang inang si Karla at ka-love team na si Kathryn sa mga basher sa social network.
Speaking of Karla, napakaganda pa rin nito hangÂgang ngayon except na mataba siya. Magpapayat lamang ay marami pa siyang ibang female celebrities na kakabugin. Natutuwa kami para sa nanay ni Daniel dahil aktibo na naman ito sa kanyang acting career at hindi lamang nagre-rely sa kanyang sikat na anak. Ayon sa Waray singer-actress, maliit pa lamang daw noon si DJ ay kinakitaan na niya ito ng senyales na sisikat ito balang araw na siya ngang nangyari.
Natutuwa si Karla na mababait lahat ang apat niyang anak at si DJ ang panganay sa kanila. ObÂviously, nakuha ng teen star ang kanyang husay sa pagkanta sa kanyang ina.
Lloyd Umali dinadalaw-dalaw lang ang asawa’t anak sa Japan
In our recent trip to Osaka, Japan para dalawin ang anak kong si Aila Marie Reyes na nag-aaral doon ay nakasabay ko sa flight for the same destination sina Sec. Ricky Carandang, ABS-CBN newscaster Ces Drilon, mga anak ni Ces and two of her sons.
Nagkasabay din kami pabalik ganun din ang singer na si Lloyd Umali. Sa Osaka nagwo-work ang wife ni Lloyd at pati na ang kanilang panganay na anak na si Aki. Permanent residents na sa Japan ang pamilya ni Lloyd pero mas gusto pa rin ng huli na sa Pilipinas mamalagi kaya pabalik-balik na lamang siya ng Japan at Maynila. Sinubukan din ng mag-anak mamalagi sa Amerika pero sa kalaunan ay bumalik sila ng Japan at sa Pilipinas nga.
Lloyd is now working on his new album.