Battered girlfriend pala ang aktres na si A pero ang nakapagtataka, walang naÂÂaÂwa sa kanya nang pumutok ang balita na inuumbag-umbag siya ng ex-boyfriend na nangako ng kasal.
Kasi naman, maldita pala si A at maraming tao na niloko sa pera kaya may mga nag-rejoice pa sa nangyari sa kanya. Ganoon daw talaga ang nangyayari sa mga tao na nanggagantso ng kapwa at hindi marunong magbayad ng utang, nakakahanap sila ng katapat.
Story ni Mrs. Burgos interesting
Dumiretso ako sa story conference ng Burgos, pagkatapos ng Startalk noong Sabado.
Naabutan ko sa storycon ang buong cast ng pelikula, sa pangunguna ng direktor na si Joel Lamangan.
Siyempre, early bird si Lorna Tolentino na gaganap bilang Mrs. Editha Burgos. Na-sight ko rin sa storycon sina Allen Dizon, Dimples Romana, Kerbie Zamora, Rocco Nacino, Ina Feleo, at Bangs Garcia.
Sobrang interesting pala talaga ang kuwento ng paghahanap ni Mrs. Burgos sa kanyang missing activist son na si Jonas Burgos. Paalis na ako nang dumating sa storycon si Mrs. Burgos, kasama ang kanyang mga kaibigan.
Ayaw pa akong paalisin ni Joel dahil gusto niya na mag-stay pa ako sa presscon ng Burgos. Hindi ako nagpaawat dahil uwing-uwi na ako.
Present din nga pala sa storycon ang award-winning scriptwriter na si Ricky Lee. Siya ang sumulat ng script ng Burgos.
Bongga ang storycon at presscon ng pelikula na hindi surprising dahil ang Heaven’s Best Entertainment ang producer ng project. Ang Raketeros ang initial offering ng Heaven’s Best Entertainment at pangalawa ang Burgos. Hulaan ninyo na lang kung sino ang big boss ng Heaven’s Best, base sa initials ng pangalan ng bagong tatag na film outfit.
Ebidensiya sa kasal nina AiAI at Jed, inilabas na
Hindi muna na-upload kahapon sa website ng The Philippine Star ang wedding photos nina AiAi delas Alas at Jed Salang para hindi agad ito kumaÂlat sa Internet.
Ipinagkatiwala ni AiAi kay Papa Ricky Lo ang wedding pictures nila ng kanyang asawa bilang patunay na talagang ikinasal sila sa Las Vegas, Nevada noong April 3.
Sa paglabas ng mga litrato, matitigil na ang mga pagdududa at haka-haka na hindi totoo na nag-isang dibdib sa Amerika sina AiAi at Jed.
Mga scholar ng EB iniyakan
Marami ang napaiyak sa episode ng Eat Bulaga noong Sabado dahil ipinakilala sa show ang 30 schoÂlars ng No. 1 noontime show na nagtapos ng pag-aaral.
Nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas ang mga estudyante na mula sa mahihirap na pamilya at dumaan sa mahigpit na screening.
EBest ang tawag sa mga estudyante na nagtapos ng high school na may mga karangalan. Masuwerte ang mga bagets dahil gagastusan ng Eat Bulaga ang kanilang college studies.