Kuya Kim at Andi, susubukan ang mga in na water sports ngayong summer

MANILA, Philippines - Sasabak sa water sports si Kuya Kim, kasama ang celebrity guest host na si Andi Eigenmann, at ipapamalas kung paano mae-enjoy ang summer sa masaya at athletic na paraan ngayong Linggo (April 14) sa Matanglawin. 

Samahan ang Trivia King sa kanyang pagsubok sa in na in ngayon na sur­fing kung saan tuturuan pa siya ng unang babaeng surfing instructor mula sa Philippine Surfing Academy.

Habang game na bumabalanse si Kuya Kim sa ibabaw ng surfboard at nagtatangkang sakyan ang alon, si Andi naman ay magtatampisaw din sa tubig at susubukang mag-wakeboarding.

Kayanin kaya nila ang hamon?

Huwag palalampasin ang isa na naman sa month-long fifth anniversary special ng Matanglawin ngayong Linggo, 9:30 a.m., sa ABS-CBN.

Show comments