Wala pang tulog si Ogie Alcasid nang dumating sa presscon ng Bonakid Pre-School Ready Set Laban, ang action-packed kiddie game show na magsisimula sa April 20, every Saturday, bago ang Eat Bulaga.
Eight weeks tatakbo ang Bonakid Pre-School Ready Set Laban at sa direction ni Rommel Gacho, hindi lang host si Ogie, siya rin ang nag-compose at kumanta ng theme song ng show. Sa show niya masusubukan ang tatag at lakas ng mga batang kasali. Bawal ang mababagal dito at ang maganda, makakasama ng mga bata ang kanilang mga ina, kaya may bonding time ang mag-ina.
Ang mananalong bata ay tatanggap ng P150,000 at ang hindi mananalo at bibigyan ng P15,000.
Samantala, tinanong na naman si Ogie sa paglipat niya sa TV5 once his contract with GMA Network expires sa June. Puro “’wag ganyan†ang sagot nito at natawa na lang sa sinabi ng press na kaya eight weeks lang ang takbo ng kiddie game show para tama sa pagtatapos ng kontrata niya na sigurado na.
Natawa pala kami sa kuwento ni Ogie sa anak nila ni Regine Velasquez na si Nate.
“Wala na†ang favorite nitong sagot at magaling sumunod sa command sa Tagalog. Gusto nilang matuto muna ng Tagalog ang anak bago turuan ng English.
LT magpapaka-light muna
Natupad ang wish ni Lorna Tolentino na after Pahiram ng Sandali, light drama na may halong comedy ang gawin para makapagpahinga siya sa pag-iyak at pagda-drama. Nagbiro itong naubos na ang luha niya sa natapos niyang soap.
Maggi-guest ang aktres sa Home Sweet Home, ang primetime soap na pagbibidahan nina Raymart Santiago, Roxanne Barcelo, Jillian Ward, Jake Vargas, Bea Binene, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, at Celia Rodriguez, among others. Pilot ng fantasy-drama sa April 22, bago ang 24 Oras.
Bukas, Monday, ang first taping day ni LT sa Home Sweet Home at sa Plaridel, Bulacan ang kanyang location. Tama lang na lumabas muna rito ang aktres dahil muli siyang mapapasubo sa drama at iyakan sa first indie film niyang Editha Burgos.
Mai-interview si LT, hindi maiiwasang tanungin siya sa break-up ng anak na si Renz Fernandez at Maxene Magalona. But knowing LT, hindi ito magsasalita at pababayaan ang dalawa na sabihin ang gustong malaman ng press people.
Kristoffer ibinuko, Barbie at Derrick hindi gusto ang isa’t isa
Dahil sa Kakambal ni Eliana ay nawala ang takot sa ahas ni Kristoffer Martin. Nasanay na rin siyang hawakan si Naja, ang ahas na kakambal ni Kim Rodriguez sa Afternoon Prime ng GMA 7. Bukod kay Naja, marami pang ahas silang kasama sa set, lumalapit siya sa mga ito at ‘pag walang ahas sa taping ay hinahanap niya.
Happy si Kristoffer kay Kim na nabigyan ng launching project at naniniwala siyang keri nito ang pagbibida dahil magaling itong umarte at dedicated sa trabaho. Alam ni Kristoffer na hindi sasayangin ng kapareha ang big break na ibinigay sa kanya.
May career at may love life si Kristoffer dahil two years na silang on ni Joyce Ching. Walang selosan sa kanila at nag-usap na ihiwalay ang trabaho sa personal nilang buhay. After niyang mamalditahan kay Joyce at mayabangan naman ito sa kanya, ngayon ay masaya sila sa kanilang relasyon.
Sabi pala ni Kristoffer, malabong maging sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza dahil sobrang opposite ang dalawa at wala sa bawat isa ang qualities na hanap nila sa magiging BF o GF. Ito’y kahit madalas nagde-date ang dalawa at nakiki-foursome pa kina Kristoffer at Joyce.
Gino dela Peña, GF na ang pinsan ni Rhian Ramos
Kundi pa binati ni Gino dela Peῆa si Stephanie Henares ng “Happy b-day to the love of my life @Stephenares,†hindi pa naming malalamang couple na ang dalawa.
Nag-tweet kami kay Gino para makitsimis at ibinalitang last November pa sila naging on ni Steph na anak nina Ronnie Henares at Ida Ramos-Henares at pinsan siya ni Rhian Ramos.
Sa Instagram account ni Gino, may pinoste siyang picture na nagbibigay siya ng birthday cake sa girlfriend. Nasa likod nila ni Steph si Ronnie na kumukuha ng picture nila. Siguro naman ibig sabihin ng picture na ‘yun ay boto ang ama ni Steph kay Gino.
Naalala naming nagkasama sa isang sports show ng GMA News TV ang dalawa at kasama pa nila si JC Tiuseco. Doon sila naging friends hanggang sa maging sila at ngayon na ay magpa-five months na ang kanilang relasyon.