Maraming beses nang gumanap bilang isang ina si Precious Lara Quigaman sa mga teleserye. Ngayon ay mas malalim pa niyang nagagampanan ang nasabing role dahil isa na rin siyang ganap na ina sa totoong buhay. Mas makatotohanan na ngayon ang kanyang pagganap lalo na sa teleserye nilang Little Champ.
“This time kapag may mga ganung role, ganun pala talaga ang mararamdaman mo kasi ngayon alam ko na ’yung mapi-feel ko kapag ganun ’yung nangyari sa anak ko. So, definitely, mas malapit at matagal na naming ginagawa kaya at home na at home na ang nararamdaman ko rito,†paliwanag ni Lara.
Ayon sa aktres, napakasarap maging isang ina at halos hindi niya ito maipaliwanag.
“Sobrang hirap umalis ng bahay. ’Tapos ngayon talaga wala kasi kaming yaya. Nag-decide talaga kasi kami ni Marco (Alcaraz, asawa ng aktres) na walang yaya. So, ngayon siya ’yung andun, siya ‘yung nag-aalaga kapag ako ang may work. At ako naman ang nasa bahay kapag siya naman ang may work. Kapag pareho kaming wala, either sinasama ko or naghahanap kami ng kamag-anak na free na puwedeng magbantay saglit. Ang sarap, ibang klase ‘yung joy, hindi mo ma-explain.
“Sa mga nanay, naiintindihan nila pero ’yung mga walang anak hindi mo ma-explain sa kanila kung anong klaseng joy ang meron kapag may anak,†giit ni Lara.
Nagkaroon kasi ng hindi magandang karanasan ang aktres sa pagkakaroon ng yaya noong kapapanganak pa lamang niya kaya minaÂbuting hindi muna kumuha sa ngayon.
Daniel kabado na sa kanyang concert
‘Bahala na ang Diyos sa akin’
Sa April 30 na gaganapin ang kauna-unahang concert ni Daniel Padilla sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City na pinamagatang Daniel Live: A Birthday Concert. Ngayon pa lamang ay kinakabahan na si Daniel para sa nasabing event.
“Oo naman, siyempre. Pero imbes siguro na kabahan mas gusto na lang i-enjoy. Wala akong iniisip kahit ano, takot hindi ko iniisip. Siyempre kinakabahan ako pero gagawin ko pa rin ang lahat para maging maganda ang kalalabasan ng concert. Parang bahala na ang Diyos sa akin,†nakangiting pahayag ni Daniel.
Wala na raw mahihiling pa ang binata sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa kanya kaya malaki rin ang pasasalamat ni Daniel sa lahat ng mga tagahangang tumatangkilik sa kanya.
“Okay na ako. Talagang sapat na sa akin ito sa birthday ko. Sila rin naman nagdala sa akin dito, parang binuhat lang nila ako paakyat eh ’di ba? Kaya sa fans, sobrang maraming salamat sa lahat. Talagang sila ang naging kaibigan ko talaga,†pagtatapos ni Daniel.
Hinding-hindi mawawala sa nasabing concert ang ka-MU (mutual understanding) ng aktor na si Kathryn Bernardo. Reports from JAMES C. CANTOS