Mother Lily malusog na uli!

Looking healthy si Mother Lily Monteverde pagkatapos ng kanyang lung surgery. Pumayag si Mother na magpainterbyu sa Startalk dahil gusto niyang pasalamatan ang lahat ng mga nagdasal para sa kanyang successful operation.

Nakakatuwang makita na masigla na uli si Mo­ther Lily at busy na uli sa pag-aasikaso sa mga upcoming project ng Regal Entertainment, Inc.

Nagpakita kahapon si Mother sa presscon ng The Bride and The Lover, ang bagong pelikula ng Regal na showing sa mga sinehan sa May 1.

Lorna fan si Editha Burgos

Inamin ni Mrs. Editha Burgos na fan siya ni Lorna Tolentino kaya tuwang-tuwa siya na ang aktres ang gaganap sa kanyang life story na isasalin sa pelikula.

Sinabi ni Mrs. Burgos na pareho sila ng moral values ni Lorna na pinili ni Joel Lamangan para gumanap na Editha.

Masuwerte raw siya dahil maganda ang aktres na gaganap sa role niya. Malungkot at puno ng mga pagsubok ang paghahanap ni Mrs. Burgos sa kanyang anak na dinukot noon pang 2007.

Matagal na kaming magkakilala ni Mrs. Burgos. Mabait siya at tahimik na babae. Very supportive wife siya ng yumaong journalist na si Joe Burgos.

Marami sa mga journalist ang protégé ni Joe. Mahal na mahal nila ang mag-asawa at kapamilya ang trato nila sa mga Burgos. Nakiramay ang media sa Burgos family nang mawala si Jonas at hanggang ngayon ay tumutulong sila sa paghahanap sa kanya.

Alessandra at Lovi aprubado sa madir ni Heart

Sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi ang mga naging sandalan ni Heart Evangelista nang magkaroon ito ng malaking problema sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero.

Nagsalita si Heart na hindi siya nagkamali sa pagpili kina Lovi at Alessandra para maging forever friends niya.

Hindi raw nag-isip ang mga magulang ni Heart na bad influence sa kanilang anak sina Lovi at Alessandra dahil matagal nang kilala ni Mrs. Cecil Ongpauco ang dalawang aktres.

Kim magagamit sa drama ang problema sa ama

Wagas na wagas ang pagluha ni Kim Rodriguez sa interbyu sa kanya ng Startalk. Cry me a river ang bagets nang mapag-usapan ang relasyon nila ng estranged father niya.

Malungkot ang buhay ni Kim at magagamit niya ang kanyang sad experiences sa mga dramatic scene niya sa Kakambal ni Eliana, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na mapapanood simula bukas, April 15.

Show comments