Indio pinagkakaguluhan kahit saan pumunta
MANILA, Philippines - Habang lalong umiinit ang epicserye na Indio, mas lalo pang napapamahal si Senador Bong Revilla, Jr. dito. Ayon pa nga sa senador, sa lahat daw ng mga ginawa niyang TV shows, ang Indio raw ang pinagbuhusan niya ng lahat ng nalalaman sa pag-arte at isinabuhay ang ginampanan niyang role. ‘‘Kaya naman sobra ang pagsisipag natin sa taping para lalo pa natin mapaganda ang Indio,’’ sabi ni Bong.
Habang naka-recess nga ang senador ay todo-kayod siya sa ipinagmamalaking TV show ng GMA 7. At kamangha-mangha na sa kabila nga ng bising-bising schedule ni Bong sa taping ay masipag din siyang nangangampanya para sa anak at asawa na kapwa tumatakbo sa Cavite. Si Jolo ay tumatakbong bise gobernador habang si Rep. Lani Mercado naÂman ay tumatakbo para mahalal muli bilang congresswoman.
At kahit sabi nga ng marami na hindi na naman kailangang ikamÂpanÂya ang dalawa, dahil ayon sa iba’t ibang survey ay napakalayo na ng agwat ng mga ito sa mga kalaÂban, ay go pa rin ang senador sa panunuyo.
‘‘Paraan na rin ito para sa patuloy na pagÂpapaÂsalamat sa walang humpay na pagtitiwala at suporta ng mga kabitenyo sa mga Revilla,’’ sabi ni Bong.
Ayon nga sa mga survey, si Congresswoman Lani ay nangunguna 68-24, o ng mahigit 40 porsiyento sa pinakamalapit na kalaban; samantalang si Jolo na tumatakbong bise-gubernador ay umaariba rin sa pagÂlamang 63-25 o halos 40 porsiyento laban sa pinakamalapit na kalaban.
Nakakatuwang panoorin ang mga motorcade at programa ng mag-ina dahil grabe ang dami ng tao, lalo na ’pag bigla pang lumabas si Indio. Talagang hindi na magkaÂmaÂyaw ang mga tao sa pagpapakita ng kaÂnilang suporta sa mag-anak.
Sa totoo lang naman, naging mataÂgumpay ang pagtawid ng mga Revilla mula sa pelikula papunta sa pulitika dahil kinakitaan sila ng sinsero at tapat na panunungkulan. Kung gaano iginagalang at tinitingala ang mga Revilla umpisa kay Don Ramon Sr. sa industriya ng pelikula ay nadala nila ito sa serbisyo, na dahilan ng kanilang tagumpay.
- Latest