ABS-CBN nag-uwi ng dalawang medalya at anim na finalist certificates sa New York Festivals 2013
MANILA, Philippines - Pinangunahan ng ABS-CBN ang lahat ng pambato mula sa Pilipinas sa prestihiyosong New York Festivals (NYF) International Film and TV Awards 2013 matapos itong magwagi ng dalawang medalya at anim na finalist certificates sa walong magkakaibang kategorya.
ABS-CBN ang tanging nakakuha ng Gold World Medal mula sa bansa para sa A Call to Arms sa Sports ProgÂram Promotion category, habang ang dokumentaryong Johnny: The Juan Ponce Enrile Story, na idinetalye ang buhay at mga kontrobersiyang ipinupukol sa Senate President ay nanalo ng Silver World Medal sa Biography/Profiles category.
Dalawa pang ABS-CBN current affairs show ang pumasok bilang finalists sa iisang kategorya ng kumpetisyon. Nagtamo ng finalist certificates ang Failon Ngayon, na pinangungunahan ng award-winning anchor na si Ted Failon at ang Krusada para sa Current Affairs category.
Pinarangalan din ng NYF ang dokumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs na Ang Simula, na idinerek ni Chito Roño at inilahad ang kasaysayan ng pagkakabuo at kalikasan ng Pilipinas, ng finalist certificate sa History and Society category.
Ginawaran naman ng finalist certificate ang young actress na si Jane Oineza para sa kanyang naÂtatanging pagganap sa Manika episode ng Maalaala Mo Kaya.
Pinagkalooban din ng finalist certificates na iginawad sa top-rating daytime progÂram na Be Careful With My Heart at advocaserye na Budoy sa Telenovelas at Drama category.
ABS-CBN ang pinakapinarangalang TV network mula sa Pilipinas sa ginanap na NYF dahil walo sa mga pambato nito ay pasok bilang finalists kung saan dalawa pa ay nag-uwi ng medalya, kumpara sa GMA News TV na nakakuha ng isang medalya at isang finalist certificate, ang GMA na nagwagi ng isang finalist certificate, at ang TV5 na may isang finalist certificate.
Ang New York Festivals® World’s Best Television & Filmsâ„¢ ay kumikilala sa pinakamahuhusay sa buong mundo sa mga news, sports, documentary, information at entertainment program pati na rin sa music videos, infomercials, promotion spots, opeÂnings at IDs.
- Latest