Tsismis na natsugi si Tom Cruise, pinaniwalaan ng maraming Pinoy
Sa panahon ng modern technology, may mga naniwala pa rin sa tsismis na natsugi si Tom Cruise sa isang aksidente na nangyari sa Australia noong Huwebes.
Maraming Pinoy, pati ang mga celebrity, ang agad na naniniwala sa tsismis na kuryente. Inuna nila na paniwalaan ang tsismis kesa mag-check. Ang ending, walang katotoÂhanan ang tsismis na kumpleto pa man din ang detalye.
Huwag na huwag kalimutan ang matandang kasabihan na ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili
‘Obserbasyon’
Ngayong si John Lloyd Cruz ang dyowa ni Angelica Panganiban, siya rin ang bagong crush ni Mama Gretchen Barretto.
Ang ibig sabihin, pareho ng taste sa mhin sina Angelica at Gretchen dahil natitipuhan nito ang mga nagiging karelasyon ng una?
Nagtatanong lang ako dahil sa aking observation.
MTRCB chairman Toto ayaw tantanan
Huwag pansinin ang kanyang detractors ang unsolicited advice ko kay MTRCB Chair Toto Villareal dahil mas mahalaga na marami ang nakakapuna sa maayos na pagpapatakbo niya sa government agency na kanyang pinamumunuan.
Ang mga tao na hindi nabigyan ng MTRCB deputy card ang mga bumabatikos kay Papa Toto. Hindi naman puwedeng i-please ni Papa Toto ang lahat dahil wala nang magbabayad sa mga sinehan kung pagbibigyan niya ang lahat ng mga nanghaharbat ng MTRCB deputy cards.
Hindi obligasyon ni Papa Toto o ng MTRCB na i-please ang mga tao na gustong manood ng sine ng libre ‘no! At kung nabigyan sila ng deputy cards, ginagawa ba nila ang kanilang mga obligasyon para makatulong sa MTRCB? Sure ako na hindi lahat dahil gusto lang nila na malibre sa panonood ng sine!
Looking forward ako sa pagbisita ni Papa Toto sa studio ng Startalk. Sinabi sa akin ni Gladys Reyes na gusto raw ni Papa Toto na mag-drop by minsan sa studio ng aming Saturday afternoon showbiz talk show.
Welcome na welcome si Papa Toto dahil excited ang staff ng Startalk na ma-meet siya nang personal.
Mga magulang pabaya kaya nawawala ang mga anak
Ilang gabi nang panay mga paslit na bata na nawawala ang napapanood ko sa mga news program.
Kung may dapat sisihin sa pagkawala ng mga bagets, walang iba kundi ang kanilang mga magulang na pabaya. Hindi mawawala ang mga inoÂsenteng bata kung tinututukan sila ng mga tatay at nanay nila.
May mga magulang kasi na inaatupag ang pagte-text at ibang mga bisyo. Sila pa rin ang dapat sisihin sa pagkawala ng kanilang mga anak.
- Latest